Aljur Abrenica on Kylie Padilla: "Sinulit ko talaga ang oras ko kasama siya."

IMAGE Instagram (@ajabrenica)

Aljur Abrenica posts another photo of him and ex-girlfriend Kylie Padilla during their Japan trip this weekend, fueling suspicion that the two got back together. 


Muling nag-post si Aljur Abrenica sa Instagram ng larawan nila ni Kylie Padilla, dahilan upang lalong lumakas ang espekulasyong nagkabalikan na ang dalawa.

Magkasama ang dalawa sa Japan ngayong Undas.

Sa ipinost na larawan ni Aljur kasama si Kylie ngayong Huwebes, November 3, nakalagay sa caption na hindi raw masyadong nakapag-post ng mga larawan ang binata dahil sinulit niya ang kanyang oras kasama ang Encantadia actress.

Caption ni Aljur: “Di ako masyadong nakapag-post sa Japan dahil sinulit ko talaga oras ko kasama siya. Ito ang first ramen namin sa isa sa mga probinsya ng Japan.”

Sa Instagram account naman ni Kylie, ipinost niya ngayong weekend ang isang larawan kung saan makikita ang silhouette ng dalawang magkayakap na tao.

Sa comments section ng nasabing post, inisip ng netizens na ang dalawang tao sa larawan ay sina Kylie at Aljur.

Sayonara Tokyo.

A photo posted by bulldog (@kylienicolepadilla) on

Noong October 31, naiulat dito sa PEP ang tungkol sa Instagram photo ni Aljur kasama ang Kapuso actress, pero wala itong caption.

Read: Ex-couple Aljur Abrenica and Kylie Padilla together in Japan

Kinumpirma ni Kylie ang breakup nila ni Aljur noong May 2014.

Read: Kylie Padilla confirms breakup with Aljur Abrenica

Pero ngayong magkasama na naman sila sa bakasyon, ibig bang sabihin nito ay nagkabalikan na rin sila?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN