Paulo Avelino's rumored GF Natasha Villaroman gets bashed; Natasha's mom strikes back

IMAGE Jade Ecleo-Villaroman & Natasha Villaroman's Facebook

Jade Ecleo-Villaroman—mom of Paulo Avelino's (topless guy, leftmost) rumored GF Natasha Villaroman (right)—posts feisty messages to daughter's bashers on social media. 


Inalmahan ng ina ni Natasha Villaroman na si Jade Ecleo-Villaroman ang pambabatikos na natatanggap ng dalaga sa social media.

Si Natasha ang non-showbiz girl na nauugnay ngayon sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

READ: Who is Natasha Villaroman in Paulo Avelino's life?

Si Jade o Ginang Villaroman ay dating vice governor ng Dinagat Islands sa Mindanao.

Sa kanyang Facebook post kahapon, November 5, hindi napigilan ni Jade na sagutin ang bashers na nagsasabing retokada diumano ang ilong ni Natasha.

Buwelta ni Jade, “Again, maliit palang po si Natasha Villaroman, may problema na siya sa nose bridge niya na lumalaki po na kailangan operahan 'pag 16 na siya.

“And anong masama sa magpa retoke ng ilong, eh millions including boys nagpaparetoke na rin.”

Hindi rin pinalampas ng ina ni Natasha ang pamumuna ng bashers sa kulay ng balat ng anak.

Dagdag ni Jade, “At may mga bashers nagsasabing lumaklak ng glutha ang anak ko para pumuti?

“Eto ang kanyang mga pictures na nagpapatunay na PORSELANA NA TALAGA sya nung lumabas dito sa mundo.


“But again, thank you sa lahat ng support and God bless all of us.”

PAULO AND NATASHA'S AMANPULO PHOTOS. Sa kanyang November 3 Facebook post, kinondena rin ni Jade ang “chismosas, bashers, at inggiteras” sa namumuong magandang pagtitinginan umano nina Natasha at Paulo.

Kasabay nito ay ibinunyag ng ginang ang pagbabakasyon ng couple sa Amanpulo kamakailan.

READ: Paulo Avelino and non-showbiz girl Natasha Villaroman spend time in Amanpulo

Buwelta ni Jade sa bashers ni Natasha, “My lovely and I'm proud to say my BEAUTY and BRAIN daughter Natasha Villaroman is having fun in #AMANPULO with this very humble, ordinary, but with a pure heart, a good soul, and a good guy, Pau...

“Love you both and continue to enjoy each other's company. After all, we are all equal in the eyes of God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Yang mga nanghuhusga sa anak ko, SUS, magkita-kita tayo sa impyerno!”

Kalakip ng kanyang Facebook posts ang tatlong larawan nina Paulo at Natasha na tila nag-e-enjoy na magkasama.

Ayon kay Jade, may kasamang “bodyguard” ang anak nang magbakasyon ito sa Amanpulo kasama si Paulo.

Ang naturang November 3 Facebook post ni Jade ay burado na matapos daw siyang pakiusapan ng anak na tanggalin ito.

Ngunit may ilang netizens na nag-repost nito:

Paulo and his new girlfriend. Post grabbed from the girl's mom's fb. #pauloavelino

A photo posted by @sarrald.a on

NATASHA'S STATEMENT. Samantala, kapansin-pansing sumagot si Natasha sa isa pang Facebook post ng ina, na may petsang November 4.

Dito ay nagpahiwatig ang dalaga tungkol sa estado ng relasyon nila ni Paulo ngayon.

Bilang sagot sa pagtanggal ng kanyang ina ng mga larawan nila ni Paulo, sabi ni Natasha: 

“Thank you mom Jade for everything, I know everyone's intention was good and I appreciate that so much.

“But Pau and I would rather keep things private from now on to protect whatever we have. Thank you for the warm support.”


Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makipag-ugnayan kay Ginang Villaroman, sa anak nitong si Natasha at pati na rin kay Paulo sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa kani-kanilang social media accounts.

Ngunit wala pang opisyal na pahayag na ipinapadala ang mga ito sa kasalukuyan.

Nananatiling bukas ang PEP sa anumang nais ipahayag ng mga nabanggit na personalidad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN