Imee Marcos: No state funeral for former President Ferdinand Marcos

IMAGE Provincial Government of Ilocos Norte

Ilocos Norte Governor Imee Marcos on her dad's funeral: "Hindi naman bonggang-bongga ang inaasahan."


Isang simpleng paglilibing lamang daw ang plano ng pamilya Marcos para sa dating diktador at presidente na si Ferdinand Marcos.

Pahayag ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa Unang Balita kanina, November 9, “Simpleng paglilibing lang ng isang kawal, isang sundalo... Hindi naman bonggang-bongga ang inaasahan.”

Kahapon, November 8, sa pamamagitan ng botong 9-5, naglabas ng desisyon ang Supreme Court na payagang mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang naging presidente ng Pilipinas sa loob ng 20 taon.

Read: Celebrities, politicians react to Supreme Court's decision to grant Ferdinand Marcos a hero's burial

Di tulad ng karaniwang ginagawa sa mga yumaong presidente, wala raw planong state funeral ang pamilya Marcos.

Sabi ng panganay na anak ni Marcos, “Kung ano man yung pangkaraniwan na paglilibing sa ating mga sundalo, ganun lang yung aking naisip.

“Gusto lang niya [ng tatay ko] na makasama ang mga sundalo na nakasama niya noong giyera.”

Wala rin daw planong magsagawa ng public viewing para sa mga labi ng kanyang ama.

“Yung public viewing, bahagi yun ng dapat sana state funeral, yung tinatawag nila na paghihimlay at lamay sa Malacañang, sa Senate, sa kung saan-saan pa.

“E, sa amin, parang hindi na kailangan yun, napakatagal na, e,” sabi ni Imee.

Si dating Pangulong Marcos ay namatay habang nasa exile sa Honolulu, Hawaii, noong September 28, 1989 — tatlong taon matapos siyang mapatalsik sa Malacañang sa pamamagitan ng People Power Revolution.

ANSWERED PRAYER. Sa hiwalay na panayam sa kapatid ni Imee na si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon, sinabi nitong isang magandang regalo sa bansa ang desisyon ng Supreme Court.

“It is something that we have been praying for so many, many years and it is an answered prayer.

“I think it is a very good development and a very good gift to the country.”

Pinasalamatan din ni Bongbong si Pangulong Rodrigo Duterte, na minsan nang nagsabing pabor siyang mailibing ang dating diktador sa Libingan ng mga Bayani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Bongbong, “He has been a strong supporter on this issue.

“That's something that he is consistent about.

“The Marcos family is grateful to the president.”

Sa ngayon, wala pang anumang detalyeng itinatakda ang pamilya Marcos para sa pagpapalibing sa dating pangulo.

Read: Manny Pacquiao says former President Ferdinand Marcos 'has the right' to a hero's burial


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN