Prince Stefan apologizes to Aljur Abrenica for 'belittling' his manhood

IMAGE Prince Stefan Instagram

Prince Stefan on Aljur Abrenica's manhood: "Hindi ko naman talaga nakita, wala naman kasing nangyari. Baka daks [malaki], hindi lang nakatayo nung makita ko. So, yun. Aljur naman yun, hunk-hunk yun, e. Type ko nga yun, e."


Nagpaliwanag si Prince Stefan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa “baka-ugat-lang-ang-kanyang-nakita” isyu nila ng kaibigan at StarStruck batchmate niyang si Aljur Abrenica.

Kung matatandaan, pinag-usapan ang naging sagot ni Prince sa interview sa kanya ni DJ Mo Twister sa podcast show nitong Good Times With DJ M, kung saan tinanong siya tungkol sa size ng private part ni Aljur matapos niyang ikuwento na minsan silang nagsabay mag-bathtub noon.

Ang sagot ni Prince noon: “Paano ba? Hindi masyado.”

Read: Prince Stefan once flirted with Aljur Abrenica: "Niyaya ko siyang mag-bathtub."

Sa eksklusibo namang panayam ng PEP kay Aljur noong November 4, ang buwelta naman niya sa naging pahayag ni Prince: “Baka ugat lang yung nakita niya.”

Read: Aljur Abrenica on Prince Stefan's claim about his manhood: "Baka ugat lang yung nakita niya."

Sa panayam ng PEP kay Prince sa pelikulang Working Beks, na ginanap sa Viva Studios, sa Quezon Cty, kahapon, November 13, ipinaliwanag niya ang kanyang naunang pahayag tungkol kay Aljur.

Aniya, “Wala, wala na yun, nag-sorry na ako sa kanya.

“Nagbigay pa ako ng cake, bumisita pa ako sa set.

“Hindi naman siya nainis.”

Sabi pa ni Prince, “Hindi ko naman talaga nakita, wala naman kasing nangyari.

“Baka daks [malaki], hindi lang nakatayo nung makita ko. So, yun.

“Aljur naman yun, hunk-hunk yun, e.

“Type ko nga yun, e.”

PRINCE’S BOYFRIEND. Aminado si Prince na mahilig siya sa tall, dark, and handsome guys; katulad ng boyfriend niyang si Paolo Amores

Sabi ng StarStruck alumnus tungkol kay Paolo, “Uuwi na naman sa Lunes [November 21], escort ko siya sa premiere night.

“Pero hindi pa siya sanay sa ganitong industriya. Tingnan mo ako, tahimik lang.

“Siguro naapektuhan pa siya. Kaya pag di na kailangang i-pose, huwag nang i-pose.

“Mabait si Pao, mapagmahal, at lagi niya akong iniintindi.”

Sa tingin ba niya ay forever na sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Prince, “Sana, ayokong magsalita nang patapos.

“Basta sa ngayon, happy ako.

“As of now, happy ako kay Pao.”

SHOWBIZ CRUSHES. Sinu-sino pa sa showbiz ang type niya?

Pag-amin ni Prince, “Si Derek Ramsay, Zanjoe Marudo... mga ganun, mga more-moreno.

“Si Derrick Monasterio… masarap siya ngayon, ha! Ang guwapo niya ngayon.

“Sino pa ba? Dyusko, heto na… si Piolo [Pascual], Sam [Milby].

“Yun yung mga crush ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN