G Tongi reacts to Gretchen Barretto's support for Marcos's secret burial

IMAGE Courtey of @gretchenbarretto and @gtongi on Instagram

G Tongi reacts to Gretchen Barretto's support for the burial of the late president and dictator Ferdinand Marcos at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City last Friday, November 18.


Ipinahayag ng aktres na si Gretchen Barretto ang kanyang suporta sa pamilya Marcos matapos mailibing ng yumaong dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani nitong nakaraang Biyernes ng tanghali, November 18.

Read: Dictator Ferdinand Edralin Marcos buried at Libingan ng mga Bayani

Sa Instagram, nag-post ang 46-year-old actress ng litrato mula sa libing ng dating pangulo at may caption na: "Finally AFTER 27 years PRESIDENT FERDINAND MARCOS at the Libingan ng mga Bayani. @bongbongmarcos. MARCOS PA RIN"

Finally AFTER 27 years PRESIDENT FERDINAND MARCOS at the Libingan ng mga Bayani???? @bongbongmarcos????????.MARCOS PA RIN

A photo posted by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Umani ng magkakaibang opinyon ang post ni Gretchen mula sa kanyang followers.

Kabilang na rito ang actress/host na si G Tongi na nag-iwan ng komentong: "Seriously!?!? #wtf #marcosisNohero."

Hindi na sinagot ni Gretchen ang nasabing komento ni G Tongi.


Ang pagsuporta ni Gretchen sa mga Marcos ay hindi naman kataka-taka. Ang ilan sa mga Cojuangco ay kilalang kaalyado ng yumaong diktador.

Kabilang na rito ang Chairman ng San Miguel Corp. na si Danding at ang yumaong ina ni Tonyboy na si Imelda Cojuangco.

Sa kasalukuyan, isa si Gretchen sa mg artistang nagpahayag ng kanyang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, kilala naman si G Tongi bilang isa sa mga artistang aktibong kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

Bukod kay G, ilang celebrities na rin ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa biglaan at palihim na libing ng yumaong diktador sa Libingan ng mga Bayani.

Read: Agot Isidro, Bianca Gonzalez, Enchong Dee, other celebs condemn Marcos's secret burial


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN