Priscilla Meirelles saddened by Miss Earth 2016 controversies

IMAGE Noel Orsal

Former Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles was saddened by the recent controversy that rocked the Miss Earth 2016 pageant, where then-reigning Miss Earth Philippines Imelda Schweighart took a swipe at Miss Ecuador Katherine Espin, who eventually bagged the crown.


Nalungkot daw si Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles sa nangyaring kontrobersiya sa nakaraang Miss Earth 2016.

Naging kontrobersiyal ang Miss Earth 2016 dahil sa ginawang pang-iinsulto ng kandidata ng Pilipinas na si Imelda Schweighart sa nanalo ng korona na si Katherine Espin ng bansang Ecuador.

Read: Miss PH Earth 2016 Imelda Schweighart takes a swipe at Miss Ecuador

Kasunod nito ay ang pagre-resign ni Imelda bilang Miss Philippines Earth.

Read: Imelda Schweighart resigns as Miss Philippines Earth

Bilang dating Miss Earth titleholder, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Priscilla sa mga isyung kinasangkutan ni Imelda.

Saad ng Brazilian beauty queen, “Actually, ang lungkot ko diyan, kasi sa totoo, judge ako during that pageant.

“She’s my favorite, ibinoto ko siya para manalo sa Miss Philippines Earth.

“Sobra akong excited kasi alam ko na maganda siyang kandidata, pero hindi ko siya kilala on a personal level.

"Yung narinig ko, yung narinig ng press at ng ibang tao na may kaunting attitude and things like that, pero I really don’t know her on a personal level."

Patuloy ni Priscilla, “Puwede kong sabihin lang, being a beauty queen, hindi ka beauty queen lang in two hours, three hours, four hours.

"Parang politician, [dapat] 24/7 ‘yan.

“Yung dala-dala mo sa araw-araw, kahit anong araw ‘yan, yung pagkatao mo.

“For you to be a beauty queen, and one thing to be a beauty queen, hindi beauty lang sa labas, pati sa loob mo, dapat beauty pa rin.

“Yung sinasabi ko tungkol diyan kasi first time in history na nangyari 'yan sa Miss Earth.

“I really hope that she learned from what she went through.

"You know, people can learn from that and then let’s move on.

“Finished na, e. Tapos na, e.

“Good luck sa replacement niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nakausap ng PEP si Priscilla sa farewell at thanksgiving presscon ng ABS-CBN daytime series na Be My Lady noong Biyernes, November 18.

DESERVING. Para kay Priscilla, deserving si Katherine Espin na manalong Miss Earth.

Saad niya, “Actually, sobra akong masaya diyan.

“I was there. I was giving special awards. I was a presentor.

"And then, makikita talaga natin on the stage kung sino talaga yung nag-shine the most, and Ms. Ecuador, it was really her night.

“Yung buong pagkatao niya, yung paggalaw niya, everything—it was really like favoring her.

“She deserves it, she said the right things, she moved the right way, and I think that’s make a winner.

“Almost 100 finalists sila, kahit yung 80 plus, ginawa lahat nang tama prior to the pageant.

“On the night itself, that’s when it defined who the real beauty queen was, who was deserving of the title, and she deserved it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN