Rosanna Roces to marry lesbian lover Blessy Arias on December 10 in Antipolo

IMAGE Jennifer Cruz Adriano on Facebook

Sa Antipolo City gaganapin ang kasalan nina Rosanna Roces at sa lesbian lover nitong si Blessy Arias sa darating na December 10.


Tuloy na tuloy na sa December 10 ang kasal ni Rosanna Roces sa lesbian partner nitong si Blessy Arias.

Unang inanunsiyo ni Rosanna noong March 31, 2016, na magpapakasal na sila ng kanyang tomboy na kasintahan.

Isang Aglipayan church minister ang mag-o-officiate sa kanilang kasal.

Read: Rosanna Roces to marry lesbian lover Blessy Arias twice

Ngayong araw, November 26, ipinost ni Osang, palayaw ni Rosanna, sa kanyang Facebook account ang kanilang wedding invitation.

Sa Alexa’s Secret Garden sa Antipolo City, Rizal, gaganapin ang wedding ganap na alas singko ng hapon.


Unang inamin ng 43-year-old actress na si Osang na meron siyang karelasyong tomboy nitong nakaraang Pebrero.

Marami raw nabago sa buhay niya nang dumating si Blessy.

Read: Rosanna Roces to marry her lesbian lover


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN