Agot Isidro pokes fun at 'MoRon loveteam' of Mocha Uson and Baron Geisler

IMAGE Noel Orsal

Suportado ni Agot Isidro ang isang mungkahi na gawing magka-love team ang mga kontrobersiyal na personalidad na sina Mocha Uson at Baron Geisler. Kung magkaroon ito ng katuparan, tatawaging MoRon ang kanilang tambalan.


Pinagkatuwaan ng ilang netizens ang dalawang kontrobersiyal na personalidad ngayon: ang die-hard Duterte supporter na si Mocha Uson at ang aktor na si Baron Geisler.

Isang netizen pa nga ang nag-suggest na maging love team sina Mocha at Baron para mayroon daw "MoRon," kagaya ng ibang tambalan na pinagsasama ang ilang syllables sa kanilang mga pangalan.

Tila natuwa naman dito ang singer-actress na si Agot Isidro kaya ni-repost niya ito sa kanyang Facebook account.

Sa comment section, sinang-ayunan din ni Agot ang komento ng isa niyang kaibigan at sinabing "Panalo di ba?" bilang pagtukoy sa 'MoRon' loveteam.

Ang 'moron' ay isang salitang Ingles na ang ibig sabihin sa Tagalog ay 'gunggong,' 'istupido,' o 'tanga.'

Si Baron ay nasa gitna ng kontrobersiya ngayon dahil sa insidenteng naganap sa shooting ng indie film na Bubog noong Linggo, November 27, sa Subic, Zambales.

Inihian niya ang kanyang co-star na si Ping Medina kahit wala naman ito sa script at hindi inutos ng kanilang direktor.

Read: Baron Geisler partly blames director Arlyn dela Cruz for latest controversy

Si Mocha naman ay madalas pinuputakti ng intriga dahil sa kanyang pagiging masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read: Mocha Uson admits to being 'OA Duterte supporter'; denies ruining President Duterte's image

MARCOS BURIAL. Kahapon, November 30, Bonifacio Day, nagdaos ng malawakang rally ang ilang anti-Marcos sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ay bilang protesta sa paglilibing sa dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LnmB) dahil anila, "#MarcosIsNotAHero."

Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Agot ang isang larawang may nakasulat na: “Agot told me to be here.”

Caption niya rito, “Yes, I did! I'm happy you came. And he's Happy, too! That's his name! Nice to meet you!”

Yes, I did! I'm happy you came. ???? And he's Happy, too! That's his name! ???? Nice to meet you!

A photo posted by Agot Isidro (@agotisidro) on

Si Agot ay isa sa hayagang tumutuligsa sa administrasyong Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Oktubre ay na-bash nang husto si Agot dahil sa pagtawag niya kay Pangulong Duterte na "psychopath."

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte "psychopath"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN