Aiza Seguerra to wife Liza Diño: "Baby na lang ang kulang, solb na ako."

IMAGE @iceseguerra Instagram

Aiza Seguerra's emotional message to Liza Diño on their second wedding anniversary: "Hindi mo ako iniwan. Kahit na nung mga panahong ridiculous na ako, you stayed with me and helped me make sense of what's happening kahit alam ko na nasasaktan ka rin minsan."


Umaasa pa rin si Aiza Seguerra na matutupad ang pangarap nila ni Liza Diño na magkaroon ng sariling anak.

Base ito sa mensahe ni Aiza kay Liza ngayong ipinagdiriwang nila ang kanilang second wedding anniversary.

Sabi ni Aiza sa kanyang Instagram post ngayong araw, December 9:

"Thank you for being the best wife anyone could ever want and have.

"You made all my dreams (wholesome and not) come true (baby na lang ang kulang, solb na ako).

"Happy anniversary mahal ko. Mahal na mahal kita."

BABY PLANS. October 2015 nang unang ihayag ni Liza na nagpaplano sila ni Aiza na magkaroon ng sariling anak, sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Sa IVF o in vitro fertilization, ang sperm mula sa isang sperm donor ang ginagamit upang i-fertilize ang isang mature egg mula sa ovary ng babae. Ginagawa ito sa laboratoryo.

Kapag na-fertilize na ang mature egg, saka naman ito i-implant sa uterus ng babae hanggang sa maging isang sanggol na nga ito.

Ang mangyayari kung sakali, ang egg mula sa ovary ni Aiza ang ipe-fertilize at i-implant sa uterus ni Liza hanggang mabuntis ito.

Read: Liza Diño ready to have own baby with Aiza Seguerra through IVF

Ngunit noong September 2016 ay inanunsiyo ni Aiza na pag-iipunan muna nila ni Liza ang isang milyong pisong estimated cost ng pagsailalim sa IVF.

Bukod dito ay kailangan pang i-schedule ang pagpunta nila sa Amerika kung saan balak nilang gawin ang nabanggit na medical procedure.

Read: Aiza Seguerra and Liza Dino postpone plan to undergo IVF

SECOND WEDDING ANNIVERSARY. Sa pagpapatuloy ng Instagram post ni Aiza, ibinigay niyang halimbawa ang pagpapakasal nila ni Liza na dati-rati ay pangarap lamang niya.

"I remember, nung bata pa ako, meron akong ideas kung anong gusto ko pag kinasal ako.

"But as I grew older, realizing my sexual orientation and identity, I became cynical about marriage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro kasi, akala ko hindi mangyayari sa akin yun.

"Dapat makuntento na lang ako with what I had before when I was just living with someone.

"Dahil hanggang doon lang ang karapatan na meron ang isang taong kagaya ko. I settled. Hindi na ako nangarap na mararating ko ito.

"Pero nung dumating ka, nagbago ang lahat."

Ikinasal sina Aiza at Liza sa San Francisco, California, noong December 8, 2014.

Nagdaos din sila ng "symbolic wedding" na dinaluhan ng mahigit 500 guests sa San Juan, Batangas, noong January 8, 2015.

Read: Aiza Seguerra and Liza Diño wed for the second time via ’symbolic ceremony’ in Batangas


Hindi maiwasang maging sentimental si Aiza nang ibahagi kung paano siya "sinalo" ni Liza noong mga panahong mismong sarili niya ay hindi niya maintindihan.

Dagdag ni Aiza, "Hindi mo ako iniwan.

"Kahit na nung mga panahong ridiculous na ako, you stayed with me and helped me make sense of what's happening kahit alam ko na nasasaktan ka rin minsan.

"Hindi ka nawala. In a world of uncertainty and chaos, you are my constant sanctuary."

Sa huli, itinuturing ni Aiza na pinakamatinding biyaya ang magawa niyang ipaglaban ang relasyon nila ni Liza sa kanilang mga magulang.

"Nung nagawa ko yon, wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba.

"May basbas na ako ng mga magulang natin. Yun ang importante. And that's the only thing that mattered to me.

"With their blessing, I had the courage to fulfill a dream na hindi ko na inasahan na pwede pang mangyari sa akin.

"I can finally ask you, my bestfriend and the love of my life, to marry me."

Narito ang unang bahagi ng Instagram post ni Aiza ngayong araw, December 9: 

Ngayon lang ako makakapagpost about our anniversary kasi I know it would take time to write this and I wanted to enjoy every second of our day yesterday. I remember, nung bata pa ako, meron akong ideas kung anong gusto ko pag kinasal ako. But as I grew older, realizing my sexual orientation and identity, I became cynical about marriage. Siguro kasi, akala ko hindi mangyayari sa akin yun. Dapat ma kuntento na lang ako with what I had before when I was just living with someone. Dahil hanggang doon lang ang karapatan na meron ang isang taong kagaya ko. I settled. Hindi na ako nangarap na mararating ko ito. Pero nung dumating ka, nagbago ang lahat. I started feeling so many things I never felt before. I've never been this happy, sad, in love, angry, secured, jealous...all these feelings rushed inside me and my God, nakaka overwhelm. Hindi ako sanay sa emosyon. Nakakatakot. Pero sinalo mo ako. Hindi mo ako iniwan. Kahit na nung mga panahong ridiculous na ako, you stayed with me and helped me make sense of what's happening kahit alam ko na nasasaktan ka rin minsan. Hindi ka nawala. In a world of uncertainty and chaos, you are my constant sanctuary. The desire to ask you to marry me just became too much to bear. Alam ko, para mangyari yun, kailangan ko maging matapang. Matapang para kayang kong humarap sa mga magulang ko at magulang mo. Nung nagawa ko yon, wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. May basbas na ako ng mga magulang natin. Yun ang importante. And that's the only thing that mattered to me. With their blessing, I had the courage to fulfill a dream na hindi ko na inasahan na pwede pang mangyari sa akin. I can finally ask you, my bestfriend and the love of my life, to marry me....(to be continued)

A photo posted by Aiza Diño Seguerra (@iceseguerra) on

Sa kasunod na post, sinabi ni Aiza ang pagnanais niyang magkaroon sila ng sariling anak ni Liza: 

Dalawang taon na ang nakalipas, parang ang bilis pero parang hindi. We've been through so many things, given so much of ourselves to each other, pero parang bawat araw ay bago na namang experience na for us. Sobra akong excited (hindi lang halata) kapag kasama kita. I am at my happiest whenever I am with you. Mula noon, hanggang ngayon. Even if it's just me driving you around and accompanying you to your stuff, like what we did yesterday, walang kasing saya ang puso ko dahil kasama kita. Thank you for loving me and appreciating me the way you do. Thank you for always understanding me lalo na sa mga panahong mahirap ako intindihin. Thank you for loving me the way I want to be loved. Thank you for being my bestfriend (with benefits???). For always hearing me out. Thank you for being you. Messy, passionate, amazing YOU. Thank you for being the best wife anyone could ever want and have. You made all my dreams (wholesome and not) come true (baby nalang ang kulang, solb na ako). Happy anniversary mahal ko. Mahal na mahal kita.

A photo posted by Aiza Diño Seguerra (@iceseguerra) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN