Karl Medina stays calm amid conflict between his brother Ping and Baron Geisler

IMAGE Noel Orsal

Karl Medina on issue between his brother Ping and Baron Geisler: "I have chosen na hindi makisawsaw sa isyu kasi hindi naman namin issue yun. Hindi ko isyu yun. Pero kung anuman ang piliing gawin ni Ping, suportahan namin siya."


Ang baguhang aktor na si Karl Medina ang pumalit sa kanyang kapatid na si Ping Medina sa indie film na Bubog.

Hindi na tumuloy si Ping sa nasabing pelikula na idinidirek ni Arlyn dela Cruz dahil sa trauma na naranasan pagkatapos siyang ihian ng co-actor niyang si Baron Geisler sa isang eksena nila, kahit hindi naman iyon nakalagay sa script at wala sa usapan nila.

Read: Baron Geisler earns ire of Ping Medina over unscripted urination scene

Bunsod ng nasabing insidente ay tinanggal sa cast si Baron.

Naghain naman ng formal complaint si Ping laban kay Baron sa Professional Artist Managers, Inc. (PAMI), na nagdesisyong i-ban ang aktor mula sa pakikipagtrabaho sa kanilang mga alagang artista.

Read: Ping Medina files formal complaint against Baron Geisler

Read: PAMI to inhibit its artists from working with Baron Geisler

Ayon kay Karl, bagamat hindi pa niya nakakatrabaho si Baron ay kilala at nakasama na niya ito sa ilang pagkakataon.

Kuwento niya, “May mga ilang-ilang beses ko na rin siyang nakikita sa labas, minsan nakakainuman.

“Yun lang ang experience ko sa kanya.

“Si Baron kasi, meron siyang... hindi ko alam kung ano, pero parang bigla na lang siyang sumusulpot.

“Usually nasa Tomato Cake lang kami sa may Tomas Morato, minsan biglang sumusulpot lang siya.”

Ano ang pagkakakilala niya kay Baron?

Tugon ni Karl, “First impression, siyempre makulit.

“Unang kita ko sa kanya, medyo nakainom na, e. Medyo maingay na.

“Ayoko namang magbigay ng judgment kaagad. Sige, kausap-kausap.

“Although, nung mga time na yun, marami na akong naririnig sa kanya.

“Pero siyempre, ayokong magbigay ng judgment.

“Pinagpapasensiyahan ko lang, kinakausap ko lang din.

“Sinusubukan kong i-treat siya fairly.”

Naangasan ba siya kay Baron nang makilala at makausap na niya ito?

“Hindi naman. Inisip ko lang na baka lasing lang.

“Kasi nakita ko na siya na sober, e. When Baron is sober, okey naman siyang kausap. Mababa yung energy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag nakainom siya, yun na yung problemang nakikita ko, e.”

Ayon pa kay Karl, “Siguro if he’s suffering from anything at kung meron man siyang ano, baka kailangan rin niyang magpatingin para doon, at saka siya mag-make ng amends para doon sa mga ginagawa niya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karl sa press conference ng pelikulang Kabisera noong Martes, December 6.

Ang Kabisera, na pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor, ay official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival.

MEDINA FAMILY. Ayon kay Karl, apektado ang buong pamilya nila sa nangyari kay Ping.

Sina Karl at Ping, pati na ang mga kapatid nilang sina Alex at Victor, ay mga anak ng veteran actor na si Pen Medina.

Pahayag niya, “Like any family would take it na pag meron kang kapatid o kadugo na binastos nang ganun.

“Kasi ako, personally, para sa akin bastos yun.

“It’s not an acting choice. Hindi nga dapat siya choice, e.

“Hindi mo gagawin sa eksena yun, hindi mo gagawin sa co-actors yun.”

Hindi ba sila nag-uusap na magkakapatid na gantihan o resbakan si Baron?

Nakangiting sabi ni Karl, “Iwan na natin sa ganun.

“Magkakapatid kami, mga lalaki kami.

“So, merong natural first reaction yun sa aming lahat.

“Ngayon, I can’t speak for Ping.

“Ako, I have chosen na hindi makisawsaw sa isyu kasi hindi naman namin issue yun. Hindi ko isyu yun.

“Pero kung anuman ang piliing gawin ni Ping, suportahan namin siya.

“Ako, ayokong i-open up din sa mga kapatid ko, e.

“Kasi alam ko yung may isyu diyan, tapos nasimulan ninyong pag-usapan lahat, ayokong palakihin din masyado.

“Gusto ko munang mag-recover si Ping nang maayos.

“Siyempre, pati father ko.”

Inamin ni Karl na nagalit din ang ang ama nilang si Pen Medina sa nangyari.

Sabi pa niya, “Yung tatay ko, kaya naman niyang magpigil. Kaya naman niyang iproseso yun nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung sa galit, I mean... anong mararamdaman mo, di ba, bilang tatay?

“Hindi ko yata kayang i-gauge kung ano yung nararamdaman niya kasi, siyempre, halu-halo ‘yan, e. Oo, may kasamang galit yun.

“Siya na lang ang tanungin ninyo, ayokong magsalita for him.”

Ayaw ring magsalita nang patapos ni Karl kung ano ang gagawin niya sakaling mag-krus ang landas nila ni Baron sa kahit na anong lugar, pagkakataon, at sitwasyon.

“Hindi ko masabi, pero I would rather not see him or makausap siya.

“Actually, nag-text siya sa akin at nagtanong siya kung puwede tumawag.

“Pero pinili ko na lang na hindi sumagot.

“Kasi ayoko nang... kumbaga, gusto kong putulin yun doon, e.

“Kung mag-aayos siya, sige, good luck para sa kanya.

“Sana maayos niya kung anuman ang pinagdadaanan niya.

“Pero as far as that incident, ayoko na. Pinuputol ko na kung ano yung koneksiyon ko kay Baron.”

Paglilinaw ni Karl, “Hindi naman siguro unforgivable.

“Hindi siya isang bagay na mapapalampas. Kailangan siyang idaan sa proseso.

“Hindi ko pa masasabi sa ngayon kung ano yung sinasabi kong proseso.

“Siyempre, ayaw naman nating palakihin yung gulo dahil tayo naman, bilang tao, gusto natin pag may gulo, gusto nating maayos naman, di ba?

“So, hindi ko masasabi kung saan pupunta itong lahat ng ito ngayon.

“Pero sa akin, personally, kung anuman yung piliin ni Ping na gawin, susuporta ako doon.”


Stories We Are Tracking

Baron Geisler earns ire of Ping Medina
Baron Geisler earns ire of Ping Medina
Indie film director Arlyn dela Cruz forgives Baron Geisler
Indie film director Arlyn dela Cruz forgives Baron Geisler
Ping Medina files formal complaint against Baron Geisler
Ping Medina files formal complaint against Baron Geisler
PAMI inhibits its artists from working with Baron Geisler
PAMI inhibits its artists from working with Baron Geisler


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN