Cherry Pie Picache clarifies stand on death penalty

IMAGE Noel Orsal

Cherry Pie Picache on bill that will restore death penalty: "Bakit ipinipilit sa atin ang kultura ng galit at paghihiganti? I mean, around the world, we need more love, we need peace. I mean, yung violence, against tayo sa nukes, nuclear weapon, yung ganun. So, bakit niyo iginigiit yung ganung pag-iisip? More than anything else, yung ikinatatakot ko, yung effect nun sa mga bata."


Umani ng pambabatikos si Cherry Pie Picache pagkatapos niyang mag-post sa Instagram kamakailan tungkol sa pagkontra niya sa restoration ng death penalty.

Naka-post ang quotation na ito: “Why do we kill people who kill people to show killing people is wrong?”

Sa unang bahagi ng caption niya, sabi ni Cherry Pie: “Bakit ba gustung-gusto nyo ang kultura ng karahasan, pagpatay, galit…bakit?!!!”

Received this news today. Ang sakit sa puso at ulo!! Bakit ba gustong gusto nyo ang kultura ng karahasan, pagpatay, galit....bakit?!?!?!!! FYI ... The House Committee on Justice passed today HB001 - Bill Restoring the Death Penalty--- The Majority lawmakers at the House of Representatives is railroading the passage of this bill as Christmas gift to the Filipino people . This despite the fact that during the committee hearings so much have presented glaring proof and evidences that the death penalty is not a deterrent to crime and that it is anti poor and violates international agreements and trends. The majority bloc Congressmen just wants it passed, period. And they want it fast..As it is among the campaign promises of the incumbent President. The right minded members of congress who believe in the sanctity of human life and the dignity of every person, is challenging all to stand up and resist this railroad attempt to pass this anti-life and anti-poor measure. They are requesting our BISHOPS TO MAKE A MORE FORCEFUL STAND AGAINST THE DEATH PENALTY AS IT IS ALSO AN ANTI-LIFE MEASURE JUST LIKE THE REPRODUCTIVE HEALTH (RH) LAW. They will request the BISHOPS TO TALK TO OUR CONGRESSMEN FOR THEM NOT TO RAILROAD THE PASSAGE OF THE DEATH PENALTY BILL Thank you and may God bless us all..

A photo posted by Cherry Pie Picache (@yescppicache) on

May ilang punang natanggap ang aktres mula sa netizens, na nagbago raw siya ng pananaw na salungat sa dating stand niya nang pinaslang ang kanyang ina.

Pinatay ang ina ni Cherry Pie na si Mrs. Zenaida Sison sa loob ng bahay nito sa Quezon City noong September 19, 2014.

Read: Cherry Pie Picache’s mom found dead in her Quezon City home

Nahatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang pumatay sa ina ng aktres na si Michael Flores.

Read: Killer of Cherry Pie Picaches's mom sentenced to reclusion perpetua

STILL AGAINST DEATH PENALTY. Gustong linawin ni Cherry Pie na hindi siya nagbago ng pananaw kaugnay sa isyu ng death penalty, sa kabila ng malagim na pagpatay sa kanyang ina.

Pahayag niya, “Disappointed ako kasi a lot of people are saying that I changed my mind.

“At that time daw nung passing ng mommy ko, I was for death penalty.

“Gusto ko i-clarify that I’ve been against death denalty ever since.

“Even before it happened, and even it happened, you know... I’m praying na hindi madali sa akin ang desisyon nang ganun.”

Diin ng aktres, “May Diyos ka, e. I’m still against death penalty.

“Naniniwala ako na yung reclusion perpetua, yung lifetime imprisonment is enough para mapagsisihan niya ang evil na ginawa niya and, hopefully, to go back to God.”

Hindi raw ganun kadali na kalimutan ang lahat, patawarin ang taong pumaslang sa kanyang ina, pero hindi raw ang pumatay rin ang katapat nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Cherry Pie, “Siyempre masakit pa rin sa akin.

“Hanggang ngayon, hindi madali. May galit pa rin akong nararamdaman.

“But you pray, e. Kasi ikaw may Diyos, kung hindi, wala rin kaming pagkakaiba.

“So, I’ve been against death penalty.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherry Pie sa pictorial ng bago niyang endorsement kahapon, December 13.

CULTURE OF VIOLENCE. Kaya raw siya nag-post ng ganung mensahe dahil sa nabalitaan niyang may ipinapasang bill sa Kongreso na i-restore ang death penalty, na siya ring gustong mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ni Cherry Pie, “Nalulungkot ako kasi bakit pinipilit sa atin ang kultura ng violence?

“Bakit ipinipilit sa atin ang kultura ng galit at paghihiganti?

“Hindi ba dapat ngayon… kitang-kita naman natin, sa bansa natin…

“I mean, around the world, we need more love, we need peace.

“I mean, yung violence, against tayo sa nukes, nuclear weapon, yung ganun.

“So, bakit niyo iginigiit yung ganung pag-iisip?

“More than anything else, yung ikinatatakot ko, yung effect nun sa mga bata.”

Dagdag niya, “Kung ang mga leaders natin ngayon kaya nilang i-handle o pagdesisyunan kung dapat o hindi ang mga killings, yung ganun.

“Pero papaano yung kulturang yun na pumapasok sa mga bata?

“Papaano po yung… not in a [derogatory] way, pero papaano po yung kapos sa pag-aaral?

“Kayo, kaya niyong ipaliwanag ‘yan bakit. Pero papaano kung ang iniisip lang talaga nila is survival?

“Paano yung sa mga marginalize natin, na ang iniintindi lang nila sa isang araw na makakain man lang ng kahit isang beses?

“Papaano yun, ganun na lang yun? Mag-isahan na lang tayo?

“Pag may ginawa ka sa akin na masama, babawian na lang kita, gagantihan na lang kita, or manlalamang na lang ako, para hindi mo na ako magulangan.

“Yung ganung kultura ba ang ipinapasok?

“Dun ako nalulungkot. Dun dumudugo ang puso ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi may anak ako, e,” seryosong pahayag ng aktres.

CHERRY PIE'S SON. Kaya ngayon pa lang ay madalas kinakausap ni Cherry Pie ang kanyang 14-year-old son tungkol sa mga nangyayari sa paligid.

“Ini-explain ko, nilalatag ko sa kanya, tapos pati yung history.

“You know, he’s not familiar with the Marcos regime. So, bumili ako ng Never Again na book.

“Pinabasa ko, ‘Intindihin mo, ito yung nangyari…’

“Tinatanong ko siya, I hear his opinion, ‘O, ano sa palagay mo sa nangyari?’

“Logic will tell him, e, ‘Bakit ganun?’ Siya yung magkukuwestiyon.”

Patuloy ng 46-year-old Kapamilya actress, “May mga confusion yung mga bata. Nagdi-discover, nag-e-explore.

“Sila pag nagkamali, lalayas, pagagalitan mo. Pero may magulang o kaibigan na puwedeng tumulong.

“E, yung mga marginalize natin, pag lumayas ‘yan, droga na ang katapat niyan, barkada na, ‘Pare, bawian na lang natin.’

“So, it’s one life wasted.

“Ang sa akin, ang kawawa, yung karamihang ano natin. Kasi walang sapat na guidance,” saad ni Cherry Pie, na mukhang apektado nang husto sa mga nangyayari.

Patuloy pa niya, “Actually, natatakot na ako.

“Natatakot ako, pero sabi nga nila, yung power of prayer, kasi wala namang mas hihigit pa, di ba?

“That’s why I pray for the president and all the rest of the people under him that they will be enlightened.

“Their hearts will be touched.

“Sana maisip nila may anak sila, may apo sila, may kapatid sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN