Mark Herras expects a sad Christmas this year; finds solace in girlfriend Winwyn Marquez

IMAGE Noel Orsal

Now that the uncle who took care of his household needs is gone, Mark Heras is learning to take care of such things as paying the utility bills. He relates, "Nag-e-enjoy naman ako na magbayad, parang ang tagal ko rin naman na na-baby sa mga bagay na ganyan. Kinailangan pang mamatayan ako ng mga magulang para lang matuto akong kumilos at humawak ng pera."


Ngayong araw na ito, December 14, ang mismong ika-30 kaarawan ni Mark Herras.

Magkasama sila ngayon ng kanyang girlfriend na si Winwyn Marquez sa Boracay, kunsaan limang araw silang magbabakasyon.

Day 1 with my pangggaa :) I love you!! @wynmarquez

A photo posted by HerrasMarkAngelo (@angelo_herras) on

Pero ilang araw bago ang kaarawan ni Mark, sinorpresa na siya ni Winwyn.

“Oo nga, advance surprise, kasi nga, baka raw maramdaman ko or mabuliyaso.

“At least, noong ginawa niya yun, nasa taping ako,” kuwento ng Kapuso actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kapuso drama series na Sa Piling Ni Nanay, sa Clark, Pampanga, noong December 12.

Masaya man si Mark na nandiyan si Winwyn palagi sa tabi niya, hindi lingid sa karamihan na may malungkot siyang pinagdadaanan.

Magkasunod na pumanaw ang kanyang ina at tiyuhin na itinuturing niyang pamilya talaga.

Read: Mark Herras opens up about the death of his mother

Read: Mark Herras grieves over the passing of foster father; remembers late loved ones

“Grabe, ulilang lubos na po ako,” sambit ni Mark.

Tila inaasahan na ni Mark na magiging malungkot ang unang Pasko niya na wala ang kanyang ina at foster father.

“It’s very sad lang this Christmas, si Daddy at si Mama, medyo expected ko na mangyayari.

“Nakikita ko na silang nanghihina, hindi tumatayo ng kama.

“Si Mama, nung inatake siya na nandoon ako, biglang nakakagulat.”

Mabuti na lang daw at nasa buhay niya ngayon si Winwyn.

Pahayag ni Mark, “Sabi ko nga sa kanya, kung nagkataong wala siya… hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

“Kasi noong namatay ang mama ko, kung may sumunod pa, hindi ko na kakayanin talaga.

“Kasi, after na nilibing namin, nag-dinner kami the whole family, umuwi na ako.

“Alam niyo yung pag-uwi ko ng bahay, kahit anong oras, taping, bumisina ako, si Tito yung nagbubukas palagi.

“So, pag-uwi ko, walang magbukas, sabi ko...” hindi na natuloy ni Mark ang sasabihin at napailing na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ipinapadama ni Winwyn ang suporta nito sa kanya para hindi siya ma-down lalo?

Tugon ng aktor, “Sinasamahan niya ako every single day halos.

“Noon sa lamay, inaasikaso niya ang mga dapat asikasuhin.“

ON HIS OWN. Halos wala nang pinakamalapit na pamilya ang Kapuso actor ngayon, maliban sa ilang pinsan at kamag-anak niya.

Hindi pa rin daw sila nagkakasama ng biological father niya kahit nakalabas na ito sa kulungan.

Ang dahilan, ayon kay Mark, "Well, ang dami rin niyang pamilya, anak, ayoko naman…"

Hindi naman daw ito nanghihingi ng anumang tulong o suporta mula sa kanya.

Tatlo lamang daw ang nakilala niyang mga kapatid sa ama.

Pagbabahagi pa ni Mark, “Noong namatay si Tito, doon nag-start ang buhay ko na ako na talaga ang kikilos.

“Noong buhay si Tito, siya ang nagbabayad ng bills, ibibigay ko lang sa kanya ang pera.

“Ngayon, well, nag-e-enjoy naman ako, pupunta ako ng Cebuana, magbabayad ako [ng monthly bills.]

“Ayoko kasi sa online, natatakot ako sa online.

“Pupunta ako sa bangko, kukunin ko ang suweldo ko, babayaran ko ang dapat kong bayaran.

“Sa kanto lang namin, malapit, so ako na nagbabayad ng lahat.

“At least, updated ako, like, tatawagan ako ng accountant ko, ‘Kailangan mong mag-deposit sa cheque [account].’

“Nag-e-enjoy naman ako na magbayad, parang ang tagal ko rin naman na na-baby sa mga bagay na ganyan.

“Kinailangan pang mamatayan ako ng mga magulang para lang matuto akong kumilos at humawak ng pera.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN