Sef Cadayona posts cryptic message about "false rumors"

IMAGE Noel Orsal

Is Sef Cadayona's cryptic tweet alluding to rumor linking him to Maine Mendoza?


Ngayong araw, January 11, nagbahagi si Sef Cadayona ng makahulugang Twitter post na nagsasabing huwag maniwala sa “false rumors.”

Hindi malinaw kung ano ang pinatutungkulan ng Kapuso actor sa kanyang tweet.

Ngunit matatandaang naging usap-usapan noong nakaraang linggo ang diumano’y ugnayan sa pagitan ni Sef at ni Maine Mendoza.

Maging ang kapatid ni Maine na si Coleen Mendoza ay umani ng pambabatikos matapos bigyang-kulay ng ibang netizens ang Twitter post nito noong January 3:

Inakusahan din si Coleen na boto umano ito kay Sef para kay Maine—ang kalahati ng sikat na tambalang MaiDen nina Maine at Alden Richards.


January 4 naman nang magbahagi si Maine ng Twitter post na nagsasabing "Get your facts straight, always."

Read: Maine Mendoza posts cryptic tweet amid rumors linking her to Vico Sotto, Sef Cadayona

Sa hiwalay na ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 6, nakasaad na tila patuloy pa rin ang relasyon ni Sef at ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Read: Sef Cadayona clarifies rumored breakup with Andrea Torres: "Basta okay kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN