Former Miss Philippines Earth Imelda Schweighart to her bashers: "You are all a disgrace."

IMAGE @ima_philippineagle on Instagram

Muli na namang binatikos ng netizens ang dating Miss Philippines Earth titleholder na si Imelda Schweighart dahil sa kanyang pagsali sa usapin ng pagdaraos ng Miss Universe 2016 sa bansa.


Muli na namang naging target ng bashing si former Miss Philippines Earth titleholder Imelda Schweighart dahil sa kanyang pagsasalita tungkol sa pagdaraos ng Miss Universe 2016 sa bansa.

Ayon kay Imelda, hindi naging maganda ang karanasan niya sa pagsali sa mga beauty pageant dahil para daw silang mga karneng ibinibenta sa palengke.

Kinatigan din niya ang Gabriela party list sa banta nitong magra-rally sa mga lugar kung saan may aktibidad ang Miss Universe.

Read: Gabriela, former Miss Philippines Earth Imelda Schweighart slam Miss Universe

Sa Facebook, may mga netizen na nagsabing masyado raw "sawsawera" si Imelda.

Pero buwelta ng dating beauty queen, Ano na raw ba ang nagawa ng mga bashers sa sarili nilang buhay?

May sinagot pa si Imelda, kung saan sinabi niyang ang mga magsasaka raw sa Pilipinas ay alam na kinakain ang buto ng rambutan.


In-upload sa Instagram ng @pageantcentralph ang mga komento na ito ni Imelda.

FB Scoop: Resigned Miss Philippines Earth 2016 Imelda Schweighart responds to basher #imeldaschweighart #65thMissUniverse

A photo posted by Pageant Central (@pageantcentralph) on

Buwelta naman ni Imelda, huwag siyang pakialaman dahil karapatan niya ito, ayon sa batas.


“NONE OF YOU MATTER TO ME.” Dahil sa sagot ni Imelda, muli na naman siyang kinuyog ng bashers. Kung anu-anong mga salita ang ibinato nila sa kanya.

Narito ang ilan sa palitan ng kanilang pahayag:




Naging kontrobersiyal si Imelda dahil sa kanyang viral video kung saan makikitang bina-bash niya ang Miss Earth 2016 winner na si Katherine Espin ng Ecuador.

Sa nasabing video, habang kausap ang kanyang mga tagasuporta, maririnig na sinabi ni Imelda: “Yung nanalo peke ilong, peke baba, peke boobs! Miss Earth, dapat natural.”

Read: Miss PH Earth 2016 Imelda Schweighart takes a swipe at Miss Ecuador

Dahil dito, pinutakti siya ng batikos at pangungutya.

Kalaunan, nagbitiw na lamang siya bilang Miss Philippines Earth.

Read: Imelda Schweighart resigns as Miss Philippines Earth


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN