Maxine Medina not affected by Gloria Diaz's pessimistic pageant forecast

IMAGE Instagram

At a recent Miss Universe dinner party hosted by Okada Manila, 1969 Miss Universe Gloria Diaz was spotted conversing with Maxine Medina, Miss Universe-Philippines 2016. Gloria recently made headlines when she said that she doesn't see Maxine making a "back-to-back win" in the upcoming beauty pageant. But based on the photos of their initial meeting, everything seemed well between the two.


Namataan sina 1969 Miss Universe Gloria Diaz at ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 na si Maxine Medina sa isang dinner na hinost ng Okada Manila para sa past Filipina Miss Universe winners.

Ito ay ginanap nitong nakaraang Sabado ng gabi, January 21, sa Paraaque City.

Naging laman ng balita kamakailan si Gloria nang sinabi nitong malabong makamit ni Maxine ang “back-to-back win” sa nalalapit na Miss Universe Pageant sa January 30 (Philippine time).

Read: http://www.pep.ph/news/65894/gloria-diaz-on-maxine-medinas-chances-of-winning-miss-universe-2016-chance-is-one-in-a-million

Sa hiwalay na interview naman, ipinaliwanag ni Gloria ang kanyang naunang pahayag at sinabing “politically incorrect” daw kung mananalo sa nasabing pageant si Maxine dahil ang Pilipinas ang siyang host.

Read: http://www.pep.ph/news/65924/gloria-diazsays-maxine-medina-winning-miss-universe-not-politically-correct

Pero base sa kanilang litrato, tila wala namang samaan ng loob sa pagitan ng dalawa.

May isa pang picture na makikitang magkahawak-kamay ang dalawa habang nag-uusap.

Highlight din ng nasabing event ang pagsasama sa isang litrato nina Gloria, Miss Universe 1973 Margie Moran, at ang reigning 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

Kumalat din sa social media ang mga pictures ng sinasabing mahihigpit na magkalaban sa pageant: sina Maxine, Miss Colombia Andrea Tovar, at Miss Venezuela Mariam Habach.

Wow! Top 3? ???????????????????????? #MariMax with Andeng #4M4MU #maxinemedina #missuniverse2016 #65thmissuniverse #maxxuniverse

A photo posted by Maria Mika Maxine ???????? (@maxxuniverse) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN