Bela Padilla "very happy" about cousin Kylie Padilla's pregnancy

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Bela Padilla, masaya ang buong angkan sa pagbubuntis ng pinsan nilang si Kylie Padilla. 


Masaya si Bela Padilla para sa kasalukuyang estado ng buhay ng kanyang pinsang si Kylie Padilla.

Tatlong buwang buntis si Kylie sa panganay nila ng fianc nitong si Aljur Abrenica.

Read: Kylie Padilla is three months pregnant; Aljur Abrenica camp denies breakup

Pahayag ng Kapamilya actress, "Happy ako for her. She seems very happy.

"And, kung mababasa ito ni Kylie, 'Congratulations.'

"I'm very happy for her."

Sa ngayon ay engaged-to-be married na sina Kylie at Aljur, pero may mga taong nagsasabing kelangan ang kasal dahil bawal sa relihiyon ni Kylie ang mabuntis na walang asawa.

Ano ang opinion ni Bela rito?

Aniya, "Parang labas ako diyan, e.

"Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nila.

"Hindi naman natin alam kung ano ang mga plano nila sa buhay na hindi tayo kasama.

"Silang dalawa lang yun, and I think they deserve that."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa press visit para sa pelikulang Luck At First Sight, noong Sabado, February 4, sa may Tandang Sora, Quezon City.

Katambal ni Bela sa pelikulang ito ng Viva Films si Jericho Rosales.

PADILLA CLAN. Ayon pa kay Bella, maging ang buong angkan ng mga Padilla ay masaya para sa kanilang pinsan.

Kuwento niya, "Alam mo naman kami, very clanish.

"Actually, nakita ko yung mga pinsan nitong Tuesday [January 31].

"Lahat kami ay same sentiment, we're all happy for her.

"We know that she loves Aljur.

"And si Kylie, she's very protective.

"So, nai-imagine ko kung paano niya palalakihin ang anak niya as a mother...very protective.

"So, I'm happy. I'm happy for her."

Pakiramdam naman daw niya ay madaling matatanggap ng Tito Robin Padilla niya ang pagdadalantao ni Kylie. Si Robin ang ama ni Kylie.

Saad pa ng 25-year-old Viva talent, "Si Tito Robin naman is a very nice person.

"And very kind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi niya titiisin na... alam mo yun, mabait siya at level-headed din na tao."

Sa eksklusibong panayam ng PEP kina Aljur at Kylie, sinabi ni Aljur na tanggap na ni Robin at ni Liezl Sicangco, ina ni Kylie, ang pagbubuntis ng anak.

Read: PEP EXCLUSIVE. Kylie Padilla reveals dad Robin and mom Liezl's reaction to her pregnancy


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN