Sofia Andres defends Diego Loyzaga on drug-use allegation: "Kaya ko pong patunayan na negative."

IMAGE Noel Orsal

Inamin ni Sofia Andres na matagal na niyang alam na may galit si Diego Loyzaga sa ama nitong si Cesar Montano. Pero hindi raw niya ito pinakialaman. Nagulat na lang daw siya nang mag-rant sa social media si Diego tungkol kay Cesar.


Matagal na raw alam ni Sofia Andres na may hinanakit si Diego Loyzaga sa ama nitong si Cesar Montano.

At alam din niyang kinikimkim lang ito ng ka-love team at napapabalitang boyfriend.

Pahayag ni Sofia, “Opo, nakukuwento niya po sa akin.

“Kasi, mas mabuti na itago muna, kasi it’s his own problem.

"Andito ako to help him and naha-handle naman po niya nang maayos."

Pero ikinagulat niya ang biglaang pagra-rant ni Diego sa Instagram at Twitter tungkol sa hinanakit niya sa kanyang ama.

Read: Diego Loyzaga rants about dad Cesar Montano: "SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!"

Sabi ni Sofia, “After that, we talked about it na magiging maayos din lahat.”

Sinabi ba ni Diego na galit siya sa kanyang ama?

“Yeah, meron po. Alam naman na po natin lahat at nailabas na sa social media.”

Ano ang ibinigay niyang payo sa ka-love team pagkatapos nitong mailabas ang kanyang galit?

Ayon kay Sofia, “Ang sabi ko, andito ako for him. Andito ako to listen.

"Andito ako para intindihin kung ano yung kinikimkim niya, kung ano yung galit niya sa dad niya.

"I’m always here to pray na sana maayos lahat."

Sa puntong ito, tinanong ng media si Sofia kung totoo ba ang paratang na nagda-drugs diumano si Diego.

“No, no,” mariin niyang tanggi.

Ayon sa rant ni Diego noon, limang beses daw siyang pina-drug test ng ama.

Ipinost pa nga niya ang isa sa mga resulta ng mga ito kung saan negative siya.

Read: Diego Loyzaga posts result of drug test requested by dad Cesar Montano

Patotoo naman ni Sofia, “Actually, I have no idea about it, pero nagsabay po kami ni Diego sa drug test, honestly.

"And kaya ko pong patunayan na negative.

"Opo, alam po 'yan ng Star Magic."

Ang Star Magic ang talent arm ng ABS-CBN na namamahala sa showbiz career nina Sofia at Diego.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na Diego ngayon?

Sabi ni Sofia, “He feels better right now.

"Siyempre yung mga mahal niya sa buhay, sinusuportahan siya kahit anong mangyari.

"Kasi hindi naman po siya pinapabayaan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sofia sa grand mediacon ng pelikulang Pwera Usog nitong Martes, February 21.

Kasama rin niya sa pelikula sina Joseph Marco, Albie Casiño, Devon Seron, Kiko Estrada, at ang bagong Regal Baby na si Cherise Castro. Mula ito sa direksiyon ni John Paul Laxamana.


REAL STATUS? Inusisa rin si Sofia ng media tungkol sa real status nila ni Diego.

Sweet na sweet kasi ang dalawa sa mga post nila sa kani-kanilang social media accounts.

Paglilinaw ng dalaga, “We’re just really close friends.

“Kami po ay lagi nagsusuportahan sa isa’t isa.

"Hindi po kami, basta andito lang po ako for him."

Wala naman daw label ang kanilang relasyon.

“We just go out, chill. Hindi naman po siya masyadong intense,” sabi ni Sofia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN