Kathryn Bernardo on relationship status with Daniel Padilla: "Alam niyo na yun!"

IMAGE Instagram @bernardokath

"Paano ba dapat mag-react? E, di tanungin niyo na lang ulit siya. Wala siya ngayon, pero alam niyo na yun," pahayag ni Kathryn Bernardo na tila unti-unting umaamin sa tunay na estado ng relasyon nila ni Daniel. 


Hindi man diretsahang inamin ni Kathryn Bernardo na sila na ni Daniel Padilla, malaman ang naging pahayag ng dalaga sa estado ng relasyon nila ngayon.

Sabi ni Kathryn, “E, di alam niyo na yun.

“Paano ba dapat mag-react? E, di tanungin niyo na lang ulit siya.

“Wala siya ngayon, pero alam niyo na yun.”

Matamis ang pagkakangiti ni Kathryn dahil aminado siyang ganito rin ang mga katagang binitawan ni Daniel tungkol sa relasyon nila.

Sa presscon ng Star Magic 25th anniversary noong Pebrero 12, ang sagot ni Daniel sa katanungan kung sila na ni Kathryn: “Alam niyo na yun.”

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong 2014, kinumpirma ng sources na malapit kina Kathryn at Daniel na opisyal na naging magkarelasyon ang dalawa noong taong iyon.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in a relationship, say sources

Sa ngayon, ang tanging inamin ng rumored couple ay "exclusive" sila sa isa't isa.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are 'exclusive' for each other

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathryn sa media launch ng Ponds  Beauty Council, na ginanap sa Maybank Performing Arts Theater sa Taguig City, noong Miyerkules, Pebrero 23.

VALENTINE DATE. Dito ay masayang ibinahagi ni Kathryn na nakapagdiwang sila ni Daniel ng Araw Ng Mga Puso pagkatapos ng guest appearance ng binata sa concert ni Vice Ganda sa Smart Araneta Coliseum.

Kuwento ni Kathryn tungkol kay Daniel o DJ kung tawagin ng dalaga: “Humabol si DJ kasi, 'di ba, galing siya sa concert ni Vice? Tapos kami ng friends ko nag-staycation lang, girl bonding, ganun.

“Humabol lang sila DJ kasama ‘yung mga friends niya. Parang reunion nga siya sa aming magbabarkada.”

Na-enjoy daw niya nang husto ang group date nila.

Dugtong ni Kathryn, “It was fun. Kasi yung iba ang tagal- tagal na pinaplano tapos hindi nagmi-meet lahat ng schedule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ito ngang Valentine’s Day, sa akin kayong lahat, so lahat ng girl friends ko nandun.”

CLOSER RELATIONSHIP. Sa kanilang PEPtalk noong September 2016, ipinamalas ng rumored couple kung gaano sila kasaya at kakumportableng sabihin ang nararamdaman nila sa isa't isa. 

Aminado sina Daniel at Kathryn na pareho silang seloso at selosa.

Pagbubulgar pa ni Kathryn, "Sa kanya parating may sumusubok kaya ako parating... Hindi, joke lang!" 

Sundot na tanong ng PEP: Paano magselos si Kathryn? 

Natatawang sagot ng dalaga, "E, di nagagalit ka. Hindi pa-cute na galit.

"Maraming pasaway, sarap pitikin!" 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN