Ellen Adarna on being linked to John Lloyd Cruz: "Dapat ba may malisya lahat?"

IMAGE Mark Nicdao via @maria.elena.adarna Instagram

Ellen Adarna responds to questions surrounding her out-of-town trip with Home Sweetie Home co-star John Lloyd Cruz. 


Malaman ang sagot ni Ellen Adarna, 28, hinggil sa espekulasyong nag-uugnay sa kanila ni John Lloyd Cruz, 33.

 

Kaugnay ito ng mga ibinahaging larawan ni Ellen kasama si John Lloyd at ilang kaibigan sa pagbabakasyon sa Ilocos Norte.

Read: John Lloyd Cruz and Ellen Adarna together in Ilocos Norte

 

Buwelta ni Ellen sa isang netizen: "@mrskakoi why cNt all be friends.. dapat ba may malsiya lahat. Kjk"


 

Burado na ang Instagram comment ng netizen, kaya hindi malinaw kung ano ang mensaheng tinugunan ni Ellen.

 

Base ito sa Instagram post ni Ellen ngayong araw, Marso 3, kung saan muli siyang nagbahagi ng group photo nila ni John Lloyd na kuha sa Sitio Remedios resort sa Currimao, Ilocos Norte.  

 

Dito ay makikitang katabi ni Ellen ang singer na si Rico Blanco, habang si John Lloyd ay katabi ang isang di pinangalanang non-showbiz girl.

You guys are still here! @maimaicojuangco your shades.. hahaha ???? @ricoblanco100

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

 

Sa Instagram thread nito, may ilang netizens ang nagtatanong kung ano ang ugnayan ni Ellen kay John Lloyd, bukod sa pagiging co-stars nila sa ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home.

 

Sa presscon ng Home Sweetie Home noong Enero 31, sinabi ni Ellen na hindi nagparamdam ng pagkagusto sa kanya si John Lloyd ng higit sa pagiging kaibigan.

Nilinaw rin ni Ellen na magkakilala na sila ni John Lloyd bago pa man sumabak sa showbiz ang dalaga.

Aniya, "Matagal na kaming magkakilala. High school pa lang ako. Sa Cebu pa lang, hindi pa ako artista.”

 

Read: Ellen Adarna answers whether or not John Lloyd Cruz made a move on her

 

Nasundan ito ng paglilinaw ni John Lloyd na hindi sila magkarelasyon ni Ellen.

Read: John Lloyd Cruz addresses issues on Angelica Panganiban and Ellen Adarna


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN