Gretchen Ho: "Kung gusto, gusto. Kung ayaw, madaming dahilan."

IMAGE Mark Atienza

Gretchen Ho's thoughts on handling a relationship: "Basta mahalaga na klaro. Sa mga babae kasi, kapag gray area, magulo sa utak. Sa mga lalaki kasi okay lang sa inyo na ginaganun… Sa babae kasi black and white lang."


Kapansin-pansin ang paninindigan ni Gretchen Ho sa kanyang pananaw na "dapat laging may label" sa pagitan ng babae at lalaking nagkakagusto sa isa’t isa.

Pahayag niya, “Hindi puwedeng may gray areas. Kung gusto, gusto. Kung ayaw, madaming dahilan."

Base ito sa "De Bah Teh at Kuya" segment ng Umagang Kay Ganda ngayong araw, Marso 7.

Sundot na tanong ng co-host ni Gretchen na si Amy Perez: “So, kung puti, puti? Kung itim, itim?”

Sagot ni Gretchen, “Oo, walang gray areas. Naku, kung gray area, bigyan ng sabon, labahan!”

Si Jorge Cariño, isa rin sa host ng programa, ay tinawag at hiningan din ng opinyon tungkol sa pakikipagrelasyon.

Natatawang hirit nito, “Paparaya ko na. Maraming sama ng loob, e.”

Pangangantiyaw rin ng isa pang anchor na si Brod Pete, “Sige, Gretchen, ituloy mo.”

Sa puntong ito, nilinaw ni Gretchen na wala siyang ibang ibig sabihin sa kanyang mga binitiwang salita.

Sabi ng volleyball player-turned-TV host, “Sabi ni Sir Jorge, masama daw ang loob ko. Hindi masama ang loob ko. Ano ba? Mukha ba? Kayo naman.

“Basta mahalaga na klaro. Sa mga babae kasi, kapag gray area, magulo sa utak.

"Sa mga lalaki kasi, okay lang sa inyo na ginaganun… Sa babae kasi black and white lang.”

Nang biruin si Gretchen na tila mayroon siyang "hugot" mula sa personal na karanasan, agad niyang sinabing "wala" siyang ibang pakahulugan.

THE BREAKUP. Hindi kaila sa publiko ang tungkol sa hiwalayan nina Gretchen at Robi Domingo pagkatapos ng mahigit tatlong taong relasyon.

Noong Marso 1, sinabi ng ex-couple sa inilabas nilang opisyal na pahayag na nagdesisyon silang maghiwalay upang mas matutukan ang kani-kanilang career.

Read: Gretchen Ho, Robi Domingo confirm breakup

Nang sumunod na araw, Marso, 2, inamin ni Robi na masakit sa kanya ang hiwalayan nila ng dating nobya.

Read: Robi Domingo on breakup with Gretchen Ho: "I'm still hurting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“MUTUAL DECISION.” Sa isang hiwalay na panayam, nagpahiwatig ang The Voice host kung ano ang mitsa ng kanilang hiwalayan ni Gretchen.

"There's a fine line with me with being unfair, e.

"Siguro unfair kung hindi ko pagbibigyan ang trabahong ito na kailangan kong mahalin.

"Pero mas magiging unfair kung hindi ko maibibigay yung time na deserved niya."

Dagdag ni Robi, "mutual" ang desisyon nila ni Gretchen at "hindi kami bitter sa isa't isa."

Read: Robi Domingo dismisses rumor linking him to Sandara Park


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN