Cesar Montano claims allegations against him are "baseless, wrong, and untrue"

IMAGE Photo grabbed from Instagram (@mjmarfori)

Cesar Montano says the complaint filed against him by "concerned employees" of the Tourism Promotions Board is the result of the anomalies he discovered within the department.


Itinanggi ni Cesar Montano ang mga iregularidad na ginawa niya umano bilang chief operating officer (COO) ng Tourism Promotions Board (TPB), ang sangay ng Department of Tourism (DOT) na responsable sa marketing program at promotions ng DOT.

Isang formal complaint ang isinumite ng "concerned employees" sa Presidential Action Center laban kay Cesar, dahil diumano sa mga maling gawain nito bilang pinuno ng departamento.   

Read: Cesar Montano faces complaint from Tourism Promotions Board employees

“To tell everyone, those allegations are baseless, wrong, and untrue,” pahayag ni Cesar sa panayam sa kanya ng media, base sa in-upload na video ng TV5 reporter na si MJ Marfori.

Na-interview si Cesar sa TPB office ngayong Lunes, March 13.

Ayon pa sa 54-anyos na actor-politician, “At wala po akong maidi-discuss, yung complainant po, walang name, wala pong official tayong mapag-uusapan dito. Nothing on the table yet, so wala po.”

Ang nakalagay kasi sa complaint letter ay “Concerned Employees of TPB” at hindi partikular na pangalan ng mga nagrereklamo.

ANOMALIES IN TPB. Naniniwala rin daw si Cesar na ang paghahain ng reklamo laban sa kanya ay resulta ng pagkakadiskubre niya ng mga anomalya sa pinamumunuang departmento.

“Siguro offshoot lang po ito ng na-dig natin o na-discover kong anomalies and irregularities dito sa opisina, so offshoot lang po ito.”

Tiniyak din ni Cesar na isisiwalat niya ang mga nadiskubreng maling gawain sa TPB.

“I have to be transparent sa taong-bayan. Kung ano po yung totoo, sasabihin ko sa taong-bayan and I will tell it to you very, very soon.”

Sa interview ay ipinagtanggol din ni Cesar ang isang advertising company (Carat Philippines) na diumano’y nangasiwa sa rally para kay Pangulong Rodrigo Duterte noong February 25.

“The Carat was never a producer of a show in Luneta. Naawa naman ako nadamay pa,” pagtatanggol ni Cesar.

Nadawit din sa reklamo ang tambalang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) na tampok sa isang concert abroad, kung saan ang cash sponsorship ay galing sa TPB. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinabulaanan na ng VIVA Communications na mayroon silang sponsorship contract sa TPB.

Read: VIVA denies sponsorship contract with Tourism Promotions Board for JaDine concert abroad

Nitong Linggo, March 12, naiulat ang tungkol sa formal complaint ng TPB employees laban kay Cesar dahil umano sa mga maling pamamahala ng aktor sa departmento.

Kabilang dito ang pagpasok umano sa mga kuwestiyonableng kontrata na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso at pagha-hire umano ng sarili niyang staff na kinabibilangan ng kapatid, kamag-anak, at kasambahay kahit na may TPB employees nang nakatalaga para maging staff nito.

A post shared by Mj Marfori ???? (@mjmarfori) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN