Pia Wurtzbach finally breaks silence on recent issues about her and BF Marlon Stockinger

IMAGE Noel Orsal

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach says being dragged in controversies is nothing new to her, but she wants her focus to be on her advocacy. 


Matapos ang matagal na pananahimik, nagsalita na si former Miss Universe Pia Wurtzbach hinggil sa mga isyung kinasangkutan niya kamakailan.

Katapusan ng Marso nitong taon nang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang rebelasyon ng modelong si Kit Barraquias na may anak na kambal sila ng car racer na si Marlon Stockinger, kasalukuyang boyfriend ni Pia.

Read: PEP SCOOP. Model confirms Marlon Stockinger is the "biological dad" of her twins

Nanahimik ang kampo nina Pia at Marlon sa isyu, hanggang lumutang ang usap-usapang nagkakalabuan na umano sila.

Di nagtagal ay kumalat din sa social media ang pictures at videos ng magkasintahan, indikasyon na maayos pa rin ang kanilang relasyon.

Read: Are Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach still together?

Ngayong Miyerkules, May 3, ay binasag na ni Pia ang kanyang katahimikan.

“I just continue on working. Alam ko na it’s really part of the job,” simula ni Pia sa video na ibinahagi ng TV5 reporter na si MJ Marfori, nang makapanayam siya ng entertainment press sa kanyang contract signing bilang UNAIDS Goodwill Ambassador for Asia and Pacific.

Patuloy ng Miss Universe 2015, “Sometimes you get a lot of stones thrown at you, but that’s how it is.

“I think I’ve gone through a lot already and I know how to handle certain situations.

“But that doesn’t take away my focus from the real issues on what I really have to do as Miss Universe ambassador... new ambassador for UNAIDS."

Umiwas naman si Pia nang kunan ng reaksiyon sa social media post ng boyfriend na si Marlon na “Nothing has changed.”

“I’m still a hardworking Binibini and Miss Universe,” nakangiting sambit niya.

Diin ni Pia, sa kabila ng mga kontrobersiyang ipinupukol sa kanya, nais niyang mag-focus sa kanilang isinusulong na kampanya, kagaya ng HIV awareness.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN