Ruru Madrid denies dating Arra San Agustin; is Gabbi Garcia jealous?

IMAGE Allan Diones

Gabbi Garcia on loveteam partner Ruru Madrid: "Nag-aaway naman kami minsan, pero normal naman yun na mag-away. Hindi naman to the point na… nakakaloka yung mga write-up. Nag-aaway daw kami in front of everyone, e, hindi naman."


“Labas” daw si Ruru Madrid sa balitang nililigawan ang ka-love team niyang si Gabbi Garcia ng Kapamilya actor-singer na si Khalil Ramos.

Sabi ni Ruru, “Well, sa akin po kasi, parang... ewan ko, ha, parang labas na po ako if ever man na may manliligaw sa kanya.

“Siyempre, ang sa akin lang, kung ako ang papipiliin, siyempre ayoko.

“Ayoko na may manligaw sa kanya or ayoko na magka-boyfriend siya.

“Kasi siyempre, concerned din naman ako sa kanya and kilala ko yung family niya, na alam ko naman na gusto na mag-work muna siya.”

Read: Gabbi Garcia denies Khalil Ramos is her boyfriend: "Confirmed? Nakakaloka!"

Bakit nilalabas na ni Ruru ang sarili? Dati naman, parang involved siya sa lahat pagdating kay Gabbi, di ba?

“Hindi, siyempre naman, sariling decision niya yun, e,” katuwiran niya.

GABBI'S REACTION. Habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru noong Sabado, May 6, ay katabi nito si Gabbi, kaya humirit ang dalaga sa sinabi ng ka-love team.

Natatawang sabi ni Gabbi, “And kahit naman ako, nung nabasa ko naman yung interview niya about Arra, labas na rin ako dun.

“Kumbaga, kanya-kanyang labas lang!”

Ang tinutukoy ni Gabbi ay ang panayam ni Ruru sa PEP kung saan inamin niyang “smitten” siya sa ipinapareha rin sa kanya sa Encantadia na si Arra San Agustin.

Read: Ruru Madrid smitten by new leading lady Arra San Agustin's beauty

Paliwanag ng 18-year-old Kapuso actress, “Hindi. I mean, naging questionable din kasi yun for a lot of people.”

“Hindi naman!” kontra rito ni Ruru.

“Ano ba?” balik ni Gabbi.

“Hindi, a!” salag ulit ni Ruru.

Giit ni Gabbi, “Totoo. Kasi, wala ako nung araw na yun, di ba? Wala akong taping.

“So, parang… just to clear things, labas na rin ako dun.

“Kung labas siya dun, labas din ako dun, kumbaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung kami [ni Ruru] ang magkasama, okay fine, di ba?”

Ay, parang may hugot siya dun, ha?

“Oo nga, e. Kanina ko pa nararamdaman, eh!” pagsang-ayon sa amin ni Ruru.

“Hindi naman. Love ko si Ruru.

"Grabe, love ko si Ruru!” napapangiting sambit ni Gabbi, sabay yakap kay Ruru na tila naglalambing.

DID THEY BREAK UP? Si Ruru naman ang binalingan ng PEP at ibinalik namin sa kanya yung tila may hugot na linya ni Gabbi.

"Smitten" nga ba siya kay Arra?

“Yung sa akin naman po kasi, ano, e...”

Hindi pa nabubuo ni Ruru ang gusto nitong sabihin ay nagdayalog na si Gabbi ng: “Hindi naman kasi kami nagbabakuran, di ba? Kasi, wala namang dapat ibakod.”

Pagsang-ayon ni Ruru, “Tama.”

Pero ano ba talagang totoo sa kanilang dalawa? Nag-break ba talaga sila or what?

Sagot ni Ruru, “Never naman po kaming nag-break.”

Dagdag ni Gabbi, “Bakit naman kami magbi-break?

“Hindi naman. Wala namang… ewan ko ba.”

Bakit parang may emote si Gabbi doon sa isang Instagram post niya na ang caption niya ay, “And then she screams… ‘SELF WORTH!’ be renewed”?

and then she screams....... "SELF WORTH!" ~ be renewed

A post shared by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on

Tugon niya, “Lagi naman akong nagpu-post ng ganun. Parang normal na sa akin yun.”

Hindi ba yun para kay Ruru?

“Hindi naman. Para sa lahat yun.”

Yung totoo, nag-away ba talaga silang dalawa?

Ayon kay Gabbi, “Nag-aaway naman talaga kami minsan.

“Hindi naman maiiwasan yun, pero hindi naman…”

Hirit ni Ruru, “Never tayo nag-away!”

Ano ba talaga?

Natatawang sabi ni Gabbi, “Ano ba? Nag-aaway naman kami minsan, pero normal naman yun na mag-away.

“Hindi naman to the point na… nakakaloka yung mga write-up.

“Nag-aaway daw kami in front of everyone, e, hindi naman.”

IS RURU DATING ARRA? Gaano naman katotoo yung balitang nakipag-date si Ruru kay Arra?

Keep your mind right and your head up ma

A post shared by Arra San Agustin (@arrasanagustin) on

Tanggi ng 19-year-old actor, “Hindi, hindi kami nag-date. As in never kaming nag-date.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro umaalis po kami, may kasamang mga kaibigan.

“Pero yung kaming dalawa lang, never po naming ginawa yun. As in never.”

So, date with friends, ganun?

Sagot ni Ruru, “Hindi mo masabing date with friends, e.

“Siguro hang out. Friendly hang out.

“Hindi po yung kaming dalawa lang.”

Naririnig ni Gabbi ang mga sinasabi niya, ha?

“Alam niya naman po yun, e,” sambit ni Ruru.

Sabi naman Gabbi, “Kasi, never naman akong sumama sa mga gala-gala nila.

“Kasi, hindi naman ako… wala, ayoko lang sumama. Ha! Ha! Ha!”

Dagdag ni Ruru, “Hindi, at saka bihira rin po kasi siyang payagan, e.”

Sabi naman ni Gabbi, “At saka ayoko rin.”

Dahil bihira siyang payagan at ayaw niyang sumama, iba tuloy ang nakakasama ni Ruru.

Natatawang sabi ni Gabbi, “E, ganun naman talaga dapat, pa-girl muna, di ba?”

IS GABBI JEALOUS OF ARRA? So, silang dalawa na ba ulit?

Pakli ni Gabbi, “Bakit may kayo na ulit, e, wala naman?”

Natatawang sabi naman ni Ruru, “Kung ako nga lang po ang papipiliin, sana kami na lang ulit, e! Joke!”

Maagap na hirit ni Gabbi, “Sa Enca! Sa Enca yun!”

Ngayong ipinapareha na si Ruru kay Arra sa Encantadia, nagseselos ba si Gabbi?

“Ako? Hindi naman,” kaswal na sagot ni Gabbi.

Close ba sila ni Arra? Chika ba silang dalawa?

“Okey lang. Okey naman,” maiksing sagot ng dalaga.

Nakaka-threaten ba na may bagong ipini-pair kay Ruru?

Sabi ni Gabbi, “Hindi naman ako nati-threaten, kasi siya [Ruru] naman ‘yan, e.

“Dapat kung may ipapa-feel siyang secure, siya na yun.

“I mean, nasa sa kanya na yun.”

“Tama, di ba?” pagsang-ayon naman ni Ruru.

Kaso, nabasa nga niya na “smitten” si Ruru kay Arra, di ba?

Natatawang reaksiyon ni Gabbi, “E, di go!

“Hindi. E, ganun naman talaga. Normal naman na nagagandahan ang [mga boys].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka maganda naman talaga si Arra, di ba? So…”

Paliwanag naman ni Ruru, “Magkaiba naman po sila ng ganda.

“Maganda naman po talaga si Arra. Magkaiba po sila ng ganda ni Gab, e.

“Si Arra yung parang chinita, tisay.

“Si Gab yung tipong morena na ang lakas ng dating.”

Pero iba si Gabbi dahil mas malalim yung pinagsamahan nilang dalawa, tama ba?

Sagot ni Ruru, “Siguro. Kasi, mas matagal po kaming magkakilala, e.”

Hirit ni Gabbi, “Grabe sa siguro, hindi ka sure?”

“Hindi, totoo naman talaga!” nakangiting kambiyo ni Ruru.

Sa kabila ng asaran nila, napansin naming madalas magkadikit sina Gabbi at Ruru.

Nandiyang akbayan, hawakan sa bewang, sa balikat o sa mukha ni Ruru si Gabbi habang kausap sila ng PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN