Ana Capri willing to forego sexual harassment case: "Patawarin na lang natin."

IMAGE Ana Capri Facebook / Ian Samarita

Ana Capri said she's willing to forego the sexual harassment case she filed last year against a still-unidentified Chinese-looking national who groped her last May 2016 at the Palace Pool Club: "Isang taon na, walang progress dun. Hayaan na lang natin, nagkamali din naman siya. Patawarin na lang natin."

 


Sa thanksgiving presscon ng indie producer na si Ms. Baby Go at ng kanyang BG Productions na ginanap sa Max's Restaurant, Quezon City noong May 10, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang huling development sa kasong isinampa ni Ana Capri noon sa isang foreigner dahil sa diumano'y pambabastos nito sa kanya.

Read: Ana Capri claims she was harassed by unidentified man at Palace Pool Club

Kung matatandaan, noong Mayo 2016 ay nagsampa ang sexy actress ng kasong Acts of Lasciviousness, Physical Injuries at Slander By Deeds laban sa isang Chinese-looking guy dahil nga sa diumano'y pangha-harass nito sa kanya sa The Palace Pool Club sa Taguig City.

Dumating pa nga siya sa puntong nanagawan siya na tulungan siyng ma-identify ang lalaki dahil hindi niya ito nakilala nang maganap ang insidente.

Read: Ana Capri initiates probe into sexual harassment incident

Pahayag ni Ana, "Hayaan na natin, kasi hindi naman nila mahanap si 'John Doe.'

"Isang taon na, walang progress dun.

“Hayaan na lang natin, nagkamali din naman siya.

"Patawarin na lang natin."

Mabuti na lang ay nagawa na niyang patawarin ito.

Aniya, "Oo, empathy na lang and compassion, di ba?

"Hindi rin naman ako perfect, e.

"Hayun.

"So far naman, may good karma namang dumarating, di ba?

"Minsan nga, small things... hindi naman siya small, pero sabi nga, 'Don't sweat the small stuff,' para mas maganda ang blessings."

Pero iginiit ni Ana na kahit willing siyang isantabi ang kanyang kaso ay nakasampa pa rin daw ito sa korte.

"Pero kung magkita kami in one occasion, kausapin niya ang attorney ko kasi, may kaso pa rin siya.

"Existing pa rin yung mga isinampa ko sa kanya."

Sa kabila raw ng nangyari ay meron din naman siyag natutunang leksiyon sa kanyang buhay.

Saad pa ng beteranang aktres, "Yeah, kahit paano ay meron din akong natutunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nang-inspire ako, at parang naging eye-opener ako para sa ibang tao.

"Na kumbaga, alam mo ang human rights mo, di ba?

BLESSINGS. Samatala, ang isa sa mga blessings na sinasabi niya ay ang pagkapanalo niya bilang Best Supporting Actress sa nakaraang Asean Internatioal Film Festival and Awards (AIFFA) na ginanap sa Malaysia nito lamang nakaraang May 4-6.

Nanalo siya para sa pelikulang Laut na dinirek ni Direk Louie Ignacio na nanalo rin bilang Best Director para sa pelikula niyang Area.

Si Ai-Ai delas Alas naman ang hinirang bilang Best Actress para sa parehong pelikula.

Pagmamalaki ni Ana, "Thanks! Pampito ko na ito since nagsimula akong umarte.

"Yung huli ko, para naman sa movie noon ni Direk Maryo J. delos Reyes... mga two years ago yun.

"Natutuwa ako dahil last year, na-nominate naman ako para sa Cinema One.

“Hindi man siya nakuha, pero at least, heto nga.

"Parang ang sarap sabihin na nakuha natin [yung award], hindi lamang nakuha ko dahil sa ibang bansa nga ito ginanap.

"Sana, magtuluy-tuloy pa rin ang blessings lalo na't tumigil ako for a while dahil nagpa-opera nga ako upang maalis ang aking liver stones."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN