Bianca Umali cryptic tweets about Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara?

IMAGE Noel Orsal

Are Bianca Umali's cryptic social-media posts about suspected betrayal and hurt feelings have something to do with her reported conflict with Kambal Karibal co-stars Miguel Tanfelix and Kyline Alcantara?


Usap-usapan sa social media ang matalinhagang tweets ni Bianca Umali na tila may kinalaman sa napapabalitang “silent war” sa pagitan niya at ng Kambal Karibal co-stars na sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara.

July 7 nang mag-tweet si Bianca ng maiksi ngunit malamang salitang tumutukoy sa tunog ng “ahas” sa paligid.

Bunsod nito, hindi maiwasang maugnay ang tatlo sa naglabasang blind items tungkol sa isang bida at kontrabidang aktres na diumano’y nagkumprontahan dahil sa isyung selosan sangkot ang kanilang male co-star.

READ: Bida at kontrabida sa teleserye, nagkumprontahan sa loob ng CR

Lalo pa’t mismong si Bianca ay nag-retweet ng kahawig na blind item tungkol sa napipintong hiwalayan ng isang reel-and-real-life sweethearts dahil sa isyung third party.

Mayroon ding quote tungkol sa hurt feelings na ni-repost si Bianca sa kanyang Twitter.

Sa kanyang hiwalay na Instagram post noong araw ring iyon, ibinahagi ni Bianca ang isang tula tungkol sa pagiging survivor ng may-akda sa kabila ng tinamong saksak sa likod at tama ng baril sa kanyang kalooban.

...

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on

FANS' MIXED REACTIONS

Ang matalinhagang tweet ni Bianca tungkol sa sinasabing ahas sa kanyang paligid ay dinagsa ng comments mula sa netizens, na naghihinalang lumamlam ang relasyon sa pagitan nina Bianca at Miguel dahil kay Kyline.

Ilang netizens ang tumukoy kay Kyline na sia umanong third party sa rumored breakup nina Bianca at Miguel.








Hindi naman ito pinalampas ng fans ni Kyline na mariing pinabulaanan ang mga umano'y malisyosong alegasyon sa kanilang iniidolo.







Pormal na idineklara ni Miguel ang kanyang panliligaw sa perennial leading lady na si Bianca, nang magdiwang ng 18th birthday celebration ang dalaga noong Marso.

Ngunit maraming showbiz insiders ang nagsasabing matagal nang lihim na magkarelasyon ang dalawa.

Hindi maikakailang malapit sila sa isa’t isa, lalo na’t ayon na rin kay Bianca ay walang taon na silang magkakilala at apat na taong magkatambal ni Miguel sa iba't ibang TV shows sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"SILENT WAR?"

Ngunit sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 21, sinasabing tumindi ang espekulasyong may “silent feud” sa pagitan ni Bianca at nina Miguel at Kyline.

Ito ay matapos totohanin diumano ni Bianca ang pagsampal kina Miguel at Kyline sa July 19 episode ng GMA-7 prime time series na Kambal Karibal.

READ: Bianca Umali, tinotoo ang sampal kina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara; Bianca at Kyline, may silent feud?

Sa kabilang banda, hindi malinaw kung totohanan nga talaga o promo lang ng teleserye ang diumano’y sigalot sangkot sina Bianca, Kyline, at Miguel.

Lalo pa’t bahagi ng conflict sa pagitan ng mga karakter na ginagampanan nila sa Kambal Karibal ang pang-aagaw ni Kyline kay Miguel mula kay Bianca.

Sinubukan ng PEP.ph hingan ng opisyal na pahayag si Bianca, ngunit hindi pa ito sumasagot at press time.

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag nina Bianca, Kyline, at Miguel hinggil dito.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN