PEP YEARENDER: John Lloyd Cruz, Ellen Adarna lead Top Newsmakers in Showbiz 2018

IMAGE PEP source (John Lloyd Cruz and Ellen Adarna) / Atty. Marvin Aceron Facebook (Gretchen Fullido) / @l

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna, Gretchen Fullido, Liz Uy, and Janella Salvador are some of the most-talked about personalities of 2018, in a list of Top 10 Newsmakers prepared and ranked by PEP.ph. 


Ito ang The PEP List of 2018's Top 10 Newsmakers in Showbiz.

Si John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, at ang kanilang pag-iibigan, ang nangunguna sa ranking ng sampung newsmakers.

Magdadalawang taon nang wala sa limelight si John Lloyd, na masasabing premier matinee idol sa bakuran ng ABS-CBN, at ang partner nitong si Ellen, isang sexy star sa Kapamilya network din, ngunit buong 2018 ay pinag-uusapan pa rin ang bawat pangyayari sa buhay ng dalawa.

October 2017 nang inanunsiyo ng ABS-CBN na magpapahinga muna si John Lloyd sa showbiz, at ito’y sasailalim sa indefinite leave matapos masangkot sa kontrobersiya kasama si Ellen, na noo’y nasa supporting cast ng pinagbibidahang sitcom ni John Lloyd, ang Home Sweetie Home.

Kasunod nito, lumutang ang balitang nagdadalangtao na si Ellen sa magiging panganay nila ng premyadong aktor.

Narito ang kabuuan ng listahan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng 2018 Top 10 Newsmakers sa Showbiz, na puno ng mga totoong pangyayaring sinundan ng publiko sa buhay ng mga kilalang pangalan sa maningning na mundo ng showbiz.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

1. Ellen Adarna flaunts baby bump in Amanpulo

Noon pang huling bahagi ng 2016 ay umiwas na sa media at publiko sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, ngunit buong 2018 ay pinag-uusapan pa rin ang bawat pangyayari sa buhay ng dalawa.

November 2017 inilabas ng PEP.ph ang scoop tungkol sa pagbubuntis ni Ellen. Sinundan ito ng ilang buwan ding patuloy na pananahimik ng magkabilang kampo tungkol dito.

Ngunit noong May 2018, isang PEP.ph source ang nagpadala ng litrato ni Ellen, kung saan malaya nitong ipinakita sa publiko ang kanyang baby bump habang nagbabakasyon sa Amanpulo, Palawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ellen Adarna in Amanpulo, Palawan.
 IMAGE Courtesy: PEP.ph source

Walang ibang naibahaging detalye ang nagpadala ng larawan, ngunit malinaw ritong malaki na ang tiyan ng sexy star.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna flaunts baby bump in Amanpulo
Ellen Adarna flaunts baby bump in Amanpulo

Matapos ang halos isang buwan, may nagkumpirma sa PEP.ph na nanganak na ang 30-year-old star noong June 27, 2018, sa Chong Hua Hospital, sa Cebu City, kung saan nakabase ang pamilya ni Ellen.

2. John Lloyd Cruz confirms having a son with Ellen Adarna for the first time

Makalipas ang tatlong buwan, si John Lloyd na mismo ang nagkumpirmang meron na nga siyang anak na lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ellen Adarna and John Lloyd Cruz.
 IMAGE Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, nagbahagi ang 35-year-old actor ng isang tula na may pamagat na “Mga Ibon” para kay Elias Modesto, ang pangalan ng kanilang anak ni Ellen.

Saad niya sa tula: “Mangmang pagdating sa 'yo

“Sa iisang tunog mong taglay

“Sa kaaya-ayang sorpresa ng paglapit mo

“Sa imahe ng kalayaan na tiyak iwinawaksi mo

“Sa perpektong hubog ng iyong galaw

“Sa lupa

“Sa ere

“Sa tubig

“Sa'yong talentong alingawngaw ng isang ina.

“Sa'yong malabalong papel sa ating nakaratay nang sistema

“Ako'y mangmang pagdating sa 'yo

“Ang paulit-ulit mong huni ay kalinga sa aking mapagisang katahimikan.”


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz confirms having a son with Ellen Adarna for the first time
John Lloyd Cruz confirms having a son with Ellen Adarna for the first time

3. Gretchen Fullido files sexual harassment, libel complaints vs. ABS-CBN colleagues

Ginulat naman ng showbiz news presenter ng TV Patrol na si Gretchen Fullido ang mundo ng showbiz at news and current affairs nang magsampa ito ng reklamong sexual harassment laban sa ilang katrabaho niya sa news department ng Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Gretchen Fullido at the Quezon City Prosecutor's Office.
 IMAGE Courtesy: @gretsfullido Instagram / Atty. Marvin Aceron Facebook

October 5, 2018 nang magtungo si Gretchen, kasama ang kanyang abugado, sa Quezon City Prosecutor’s Office para pormal na ihain at sumpaan ang reklamo laban sa dating ABS-CBN News executive na si Cheryl Favila at ABS-CBN News segment producer na si Maricar Asprec.

Bukod kina Cheryl at Maricar, dawit din sa reklamo ang tatlo pang kasamahan ni Gretchen sa ABS-CBN newsroom—sina broadcast journalist Cecilia "Ces" Drilon, news executive Venancio Borromeo, at showbiz news reporter Marie Lozano—na kanya namang sinampahan ng reklamong libelo.

Bahagi pa ng official statement ng kampo ni Gretchen, “Fullido also filed libel cases against two news executives of ABS-CBN, Cecilia Drilon and Venancio Borromeo, news reporter Marie Lozano, alleging that the three besmirched her reputation when they stated that she filed a similar sexual harassment complaint against Favila and Asprec with ABS-CBN management to leverage her employment status with ABS-CBN.

“Fullido in her Complaint Affidavit also said Drilon resorted to victim shaming and imputed statements that Fullido deserved to be harassed, since Fullido allegedly, was willing to wear a bikini with an inflatable pool with bubbles to shove up the ratings of TV Patrol, a leading daily news program.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Gretchen Fullido files sexual harassment vs ABS-CBN colleagues
Gretchen Fullido files sexual harassment vs ABS-CBN colleagues

Mahigpit naman itong pinabulaanan ng kanyang mga sinampahan ng reklamo.

“Baseless” nga kung ituring ito ng abugado nina Cheryl at Maricar na si Atty. Evalyn Ursua, na kilalang personalidad sa progressive women's movement.

Nauna na raw kasing na-dismiss ito ng istasyon sa isinagawa nilang imbestigasyon.

Pahayag pa ni Atty. Ursua, "It is unfortunate that Gretchen Fullido has chosen to pursue a criminal complaint of sexual harassment against my clients Cheryl Favila and Maricar Asprec despite that the same complaint had been previously dismissed as baseless after a thorough formal investigation within ABS-CBN.

"This dismissal came about after Favila and Asprec proved that the text messages that Fullido used as evidence were distorted and maliciously taken out of their conversation threads.

“The story behind Fullido’s baseless charge of sexual harassment is a complicated one, involving personal, professional, and political matters."


Stories We Are Tracking

Lawyer of Favila on Gretchen charge: Baseless
Lawyer of Favila on Gretchen charge: Baseless

Samantala, mariin namang pinabulaanan ni Ces ang mga ipinaratang sa kanya ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa statement na inilabas sa Twitter ng veteran TV reporter at anchor, binanggit nito ang pagiging advocate ng mga karapatan ng mga kababaihan at ng women empowerment.

Bilang biktima din daw noon ng sexual harassment, hindi raw niya magagawang sabihin ang mga paratang laban sa kanya ni Gretchen.

Bahagi pa ng pahayag ni Ces, "It pains me to have to issue this statement because women should support each other, especially in an issue like sexual harassment.

"Throughout my life, I have been an advocate of women's rights and women's empowerment.

"As a victim of sexual harassment once before, it is unthinkable for me to say what Gretchen Fullido alleges I did.

"I encourage and support women to exercise their right to come out with truthful stories of harassment and abuse and I would never belittle any such move.

"I was asked to testify in an internal, confidential investigation into Gretchen's allegations and some of what I said during the investigation has been distorted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I reserve the right to consider legal proceedings against these false allegations and attack on my reputation.

"Again I would never belittle any women coming out to speak of any abuse committed against her.

"It is against everything I stand for as a woman."

 


Stories We Are Tracking

Ces Drilon issues statement about Gretchen libel complaint
Ces Drilon issues statement about Gretchen libel complaint

Sa isang eksklusibo namang panayam ng PEP.ph kina Cheryl at Maricar, inilahad nila ang kanilang mga ebidensiya na inaasahan nilang magpapatunay na wala silang nagawang mali laban sa dating kasamahan. 


Stories We Are Tracking

Cheryl camp: Gretchen just does not meet journ standards
Cheryl camp: Gretchen just does not meet journ standards
Gretchen: sexual favor implicit; Cheryl: evident malice
Gretchen: sexual favor implicit; Cheryl: evident malice
Gretchen VS. Cheryl on sexual-harassment complaint
Gretchen VS. Cheryl on sexual-harassment complaint
Gretchen: a
Gretchen: a "clever user"; Cheryl: "abused authority"

4. Liz Uy finally admits she's now a mother; netizens ask, "Who's the father?"

Ginulat naman ng celebrity fashion stylist na si Liz Uy ang publiko sa kanyang pag-amin noong March 16, 2018, na siya ay isa nang ganap na ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Liz Uy and businessman Raymond Racaza.
 IMAGE Courtesy: Instagram @lizzzuy / entrepreneur.com.ph

Sa panayam sa kanya ng Preview, sinabi ni Liz na Xavi ang pangalan ng kanyang tatlong-buwang anak na lalaki.

Saad pa niya tungkol sa kanyang pagiging bagong ina, “I don't really think only of myself anymore.

"Every time I do anything, I think of Xavi first."

Ngunit ang pinakalamaking tanong sa kanya ng netizens ay kung sino ang ama ng kanyang anak.

Dito na lumutang ang pangalan ni Raymond Racaza, isang negosyante at hindi pa hiwalay sa asawa noong mga panahong yun.

Bago pa man lumutang si Liz at umaming meron na siyang anak, may mga kumakalat nang cryptic posts ang isang nagngangalang Dr. Geraldine Zamora-Racaza.

Isa na rito ay ang quote card na ibinahagi niya sa Instagram, na nagsasabing mali ang mang-agaw ng pagmamay-ari ng iba.

Isa pang quote card na ibinahagi ng doktora ay nagsasabi, “Nothing can ever justify ruining something and taking what's not yours.”

Si Geraldine ay asawa ni Raymond na diumano ay ama ng anak ni Liz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Raymond ay president, chief operating officer, at co-founder ng Xurpas Inc., isang kumpanyang nagdi-develop ng mobile content services para sa telecommunications companies.

Noong January 2018, pinangalanan na ng entertainment editor na si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon na ang ama ng anak ni Liz ay si “Raymond Racaza of Xurpass.”

Sa nasabing ulat, pinangalanan ding si Raymond nga ang asawa ni Dr. Geraldine, na malapit daw na kaibigan ni Georgina Wilson, na malapit namang kaibigan ni Liz.

Bahagi pa ng ulat ni Salve, “Dagdag ng source, ngayon ay hiwalay na ang mag-asawa at matindi nga ang naging galit ng doktora kay Ms. Liz dahil ang buong akala raw nito ay magkakaibigan lang sila ng kanyang mister.”


Stories We Are Tracking

Liz Uy confirms being a mother; withholds identity of the father
Liz Uy confirms being a mother; withholds identity of the father

Noong nakaraang August 16 naman, isang kaibigan ni Dr. Geraldine ang naglabas ng kanyang simpatiya sa kaibigan matapos ibaba ng korte ang annulment of marriage nito kay Raymond.

Bahagi ng Facebook post ni Quezon City First District Councilor Dorothy "Doray" Delarmente tungkol sa kaibigang si Dr. Geraldine “Ging” Zamora-Racaza: “I felt your pain when he filed the annulment, and during the first court hearing last MAY 2017, and even more pain when the judge signed the petition last JANUARY 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I felt your pain after your court hearing. You were very anxious and sad.

"I remember you telling me that when you took the stand for the annulment, detailing your private life to complete strangers, it was a very harrowing experience for you.

"You broke down. A person as nice as you do not deserve that kind of experience. You and your daughter do not deserve that!

"It is hard to lose someone you love to someone else ... but I know that what hurt for you more is thinking of the pain & trauma that this will cause your daughter. As a mother, I feel you."


Stories We Are Tracking

Dr. Ging Racaza friend reacts to Liz Uy tell-all interview
Dr. Ging Racaza friend reacts to Liz Uy tell-all interview

5. Why Maricar Reyes considers "harmless" text messages a form of cheating

Pinag-usapan naman ng netizens ang blog entry ni Maricar Reyes sa RelationshipMatters.ph kung saan ibinahagi niya ang saloobin tungkol sa “harmless” text messages, na sinabi niyang maaring maging uri o dahilan ng pangangaliwa at pagkasira ng isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Richard Poon and wife Maricar Reyes.
 IMAGE Courtesy: @maricarreyespoon on Instagram

Binalikan ng aktres ang kuwento ng isang dating boyfriend noong kabataan niya, noong panahong nagkaroon sila ng problema.

Sabi niya, “Years ago, I had a boyfriend and our relationship was having problems.

“Then a common friend introduced me to Steve (not his real name) at a party.

“I enjoyed talking to Steve that night, relieved to be away from the problems I had with my boyfriend.

“Days after, we exchanged some ‘harmless’ messages: ‘Stuck in traffic! What u doing?’

"'Hey I just passed by your school!’, ‘Know any good restos in QC?’ , ‘Bored! ‘Musta?’

“I didn’t want to admit it back then, but Steve’s messages weren’t ordinary to me. 

“May konting kilig, so I felt guilty.

“I’d make myself feel better by thinking, ‘I’m not doing anything wrong. Steve is just a friend.’”

Pero, ayon sa artistang ngayo'y asawa na ni Richard Poon, nakaramdam daw siya ng guilt noon dahil parang nag-commit na siya ng “emotional cheating” sa boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “I looked forward to Steve’s messages more than my boyfriend’s.

“I was becoming emotionally tangled with Steve.

“Looking back, this wasn’t as harmless as I thought.

“Would I be OK if my boyfriend was exchanging messages with a girl that he had some ‘kilig’ for?

“It’s absolutely NOT OK…

“Today, stories like mine remind Richard and I of how vulnerable we are to feel-good emotions like kilig…”


Stories We Are Tracking

Maricar considers harmless text messages a form of cheating
Maricar considers harmless text messages a form of cheating


6. Tirso Cruz III’s son Teejay dies at 37

Ikinagulat naman sa mundo ng showbiz ang pagpanaw ng panganay na anak nina Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti na si Tristan Jedidiah “Teejay” Cruz noong nakaraang November 21, 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Lynn Ynchausti, Tirso Cruz III, and eldest son Teejay Cruz.
 IMAGE Courtesy: Lynn Ynchausti Instagram

Siya ay 37 taong gulang lamang.

Binawian ng buhay si Teejay dahil sa kanyang karamdamang lymphatic cancer.

Si Teejay ay dating mainstay ng Ang TV, ang sikat na '90s youth-oriented show ng ABS-CBN. 

Napanood din siya sa pelikulang Rollerboys (1995) at Eskapo (1995). 

Pero, tumigil na siya sa pag-aartista noong nagbibinata na ito.

 


Stories We Are Tracking

Teejay Cruz, eldest son of Tirso Cruz III, dies at 37
Teejay Cruz, eldest son of Tirso Cruz III, dies at 37

7. Janella Salvador confirms she was physically hurt by Elmo Magalona

Setyembre ngayong taon umugong ang balitang naghiwalay na ang magkasintahang Janella Salvador at Elmo Magalona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Elmo Magalona and Janella Salvador.
 IMAGE Noel Orsal

Nag-ugat daw ito sa nangyaring pisikalan sa pagitan ng dalawa sa isang bar.

September 9 nang mag-tweet si Janella na hindi katanggap-tanggap sa isang babae ang saktan ito ng lalaki.

Ayon pa sa kanyang tweet, “I think everyone deserves someone who does not hurt them regardless if they’re drunk or not. Men who are raised properly are never supposed to hurt women no matter what.:)"

Makalipas ang isang buwan, kinumpirma na mismo ni Janella na sinaktan nga siya ng dating boyfriend na si Elmo.

Sinabi ni Janella na dalawang beses na siyang nasaktan ng boyfriend nang lasing ito.

Ibinunyag ito ng rising young star sa exclusive interview ng veteran editor na si Ricky Lo, na lumabas sa Philippine Star noong October 24, 2018.

Pahayag pa ng 20-year-old star, "I decided to speak up now because I want to stop the lies.

"It was not the first time that he hurt me. The first time happened months earlier.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He claimed that he didn’t remember what he did, maybe because he had a drink, and he asked for forgiveness, and I gave him a chance.

"I told him, 'Next time, don’t bring yourself to the point that you will hurt someone.'

"He promised naman that he wouldn’t do it again."

Sina Janella at Elmo ay parehong mula sa mga prominenteng angkan sa showbiz.

Si Elmo ay anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona sa talent manager na si Pia Arroyo-Magalona.

Nasa entertainment business din ang mga kapatid niyang sina Maxene, Saab, at Frank Magalona.

Si Janella naman ay anak ng veteran singer-actress na si Jenine Desiderio sa band vocalist na si Juan Miguel Salvador.

Nilinaw ni Janella sa panayam na ang kanyang pagsasalita ay hindi upang buweltahan si Elmo, pero ito raw ay kanyang ginawa dahil hindi tumupad ang singer-actor sa pangakong gagawa ito ng public statement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil daw sa hindi pagtupad ni Elmo, siya pa ang sinisisi ng karamihan ng netizens sa social media sa nangyari.

Sa kanyang interview sa Phiippine Star, sabi ng aktres: "My purpose in speaking now is not to shame him or to put him down; I just want to correct the lies being spread against me and my mom, and to let the truth out.

"I thought long and hard before I decided to speak out. I gave (Elmo) the chance to speak up and own up to what he did but it seems that somebody is stopping him from doing it."

"For two years, I focused on Elmo and myself.

"This time, I am giving more attention to myself.

"He hurt me and I cannot, can never tolerate that."

Ang insidente ng pananakit ni Elmo kay Janella ang naging dahilan naman para muling mag-usap ang young actress at ang kanyang inang si Jenine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa ng aktres, "We are fixing things. We are talking.

"I may not agree with the extreme way she expresses her feelings but I realized that her intentions are good.

"At the end of the day, I know now that my mom is there for me."

Hanggang ngayon ay nanatiling tahimik ang kampo ni Elmo sa akusasyong ito ni Janella.


Stories We Are Tracking

Janella confirms she was hurt physically by Elmo
Janella confirms she was hurt physically by Elmo

 

8. Ellen Adarna's father, Alan Modesto Adarna, passes away

Hindi man kabahagi ng showbiz, pinag-usapan pa rin ng netizens ang pagpanaw ni Alan Modesto Adarna, ang negosyanteng ama ni Ellen Adarna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @floraltouchbychaty / @maria.elena.adarna on Instagram

Pumanaw ang ama ni Ellen noong June 2, 2018, dahil sa cardiac arrest, sa edad na 58.

Natunton ng PEP.ph source noon na nakalagak ang mga labi ni Alan Modesto sa Cosmopolitan Memorial Chapels, Inc., sa Mandaue, Cebu.

Kilala ang pamilya Adarna sa pagmamay-ari nilang chain of motels na Queensland, na mayroong branches sa Manila, Cebu, at Davao.

Tatlong linggo ang lumipas, nanganak naman si Ellen sa panganay nila ni John Lloyd Cruz.

Pinangalanan daw nila itong Elias Modesto bilang pagbibigay-pugay sa namayapa nitong lolo.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna's father passes away
Ellen Adarna's father passes away

9. EXCLUSIVE: Sunshine Cruz reveals honeymoon nightmare, abuse leading to marriage breakdown

Hindi lahat ng fairy-tale love story ay nauuwi sa forever.

Ito marahil ay tugma sa buhay na pinagdaanan ni Sunshine Cruz sa ex-husband niyang si Cesar Montano.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Sunshine sa piling ng dating mister: ang aktres ay naging isang battered wife.

Nagsimula daw ang kanyang kalbaryo bago pa man sila ikasal taong 2000. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya sa PEP.ph, "I was calling off the wedding. I called Tita Norma Japitana [Cesar's former manager], and I said, 'The wedding is off! Ayoko na, ayoko na!'

"Kasi meron siyang nasabi sa akin—hindi maganda."

Hanggang ngayon, hindi pa rin masabi ni Sunshine ang mga salitang ibinato sa kanya ni Cesar noon.

Dagdag na lang niya, "Basta ang baboy, ang baboy. Hindi maganda, hindi talaga kaaya-aya."

Pagpapatuloy ni Sunshine sa kuwento, "I called off the wedding. Yun yung time na pina-pack up niya yung taping niya, may shooting siya dapat.

"He flew to Cebu, and lumuhod at nagmakaawa sa akin.

"Nagulat ako. Pero, imagine, na-pack up niya yung shooting niya? I think he paid more or less PHP100K dun sa damage na ginawa niya—and he flew and apologized to me."

Natuloy nga ang kasal, ngunit nagpatuloy din daw ang masasakit na ipinaranas sa kanya ni Cesar noong honeymoon pa lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagi pa ng kanyang eksklusibong kuwento sa PEP.ph, "Masakit man aminin, pero honeymoon pa lang, tinapon niya yung wedding ring namin sa ano, nung nag-Carribean cruise kami."

Palagi raw binabanggit sa kanya ni Cesar ang mga sexy movies na nagawa niya noon, at pilit daw ipinaaamin ni Cesar kay Sunshine na nakatalik niya ang lahat ng kanyang leading men.

Sabi pa Shine, na tawag kay Sunshine ng mga kaibigan: "Sabi ko, that was a time na dapat masaya, honeymoon, nag-e-enjoy. Ano talaga, grabe."

Fast-forward sa September 18, 2018, isang magandang balita ang ibinahagi ni Sunshine sa PEP.ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sunshine Cruz.
 IMAGE Hans Fausto

Ito ang araw na na-grant ng korte ang inihain niyang annulment of marriage kay Cesar.

Bungad niya sa PEP.ph team, na noong araw na iyon ay nakatakdang magphoto-shoot ng bahay niya sa Parañaque: "Annulled na ako!

"Napasigaw talaga ako nung nalaman ko. Yung malakas na sigaw, dinig hanggang baba! Nagulat buong bahay!

"Sa sobrang saya ko ngayon, lahat ng kaaway ko, kahit yung mga may utang sa akin, patatawarin ko! Ngayong araw lang, ha!"

Sa ngayon, masaya na si Sunshine sa piling ng boyfriend niyang si Macky Mathay III.

Masaya din siya at maluwag na tinanggap ng mga anak nila ni Cesar, na sina Angelina Isabelle, 17; Samantha, 14; Chesca, 12, ang annulment nila ni Cesar.


Stories We Are Tracking

EXCLUSIVE: Sunshine Cruz reveals honeymoon nightmare, abuse leading to marriage breakdown
EXCLUSIVE: Sunshine Cruz reveals honeymoon nightmare, abuse leading to marriage breakdown

10. Mader Sitang, ipinadedeklarang persona non grata sa Pilipinas

Matapos ang masaya at pinag-usapang pagbisita sa Pilipinas ng sinasabing Thai social media sensation na si Mader Sitang, naging ingrata naman ang tingin sa kanya ng kanyang producer at tumatayong manager sa bansa na si Mr. Gay World Philippines 2009 Wilbert Tolentino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Wilbert Tolentino and Mader Sitang.
 IMAGE Noel Orsal

Nawindang kasi nang husto si Wilbert sa mga demands ni Mader Sitang bago ito pumirma ng limang taong managerial contract sa kanya.

Lumipad si Wilbert papuntang Thailand, kasama ang kanyang Philippine entourage upang maplantsa na ang kontrata ni Mader Sitang.

Ngunit, laking gulat ni Wilbert nang hindi sinipot ni Mader Sitang ang kanilang welcome dinner dahil may mga demands pa raw ito. 

Ikinabigla ni Wilber na ilan sa mga gusto ni Mader Sitang ay ang makatanggap muna ito ng 19.5M baht—katumbas ng PHP31.3M—bago ng contract signing.

Dagdag pa rito, kailangan din daw ng Thai national ng 9.5M baht—katumbas ng PHP15.3M—para sa bahay, opisina, at mini-warehouse, plus 10M baht—katumbas ng PHP16M—para sa iba pang gastusin.

Sumalubong naman raw si Mader Sitang sa airport, ngunit nang malaman nitong walang dalang milyones si Wilbert, iniwan niya ito agad-agad.

Kaya naman, noong Nobyembre 7, dumulog si Wilbert sa consul ng Pilipinas na nakabase sa Thailand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinapadeklara ni Wilbert na persona non grata si Mader Sitang sa Pilipinas para hindi na muli ito makatuntong sa bansa.

Nauna rito ay gumastos na si Wilbert ng PHP30M para sa Simply Sitang products—perfume, hair products, T-shirts, at iba pang merchandising items—na ibebenta online. 

Lumabas naman kamakailan ang balitang hindi totoong social media sensation sa Thailand si Mader Sitang. Nang may mga Pilipinong nag-ulirat sa bansang iyon tungkol sa kanya, wala raw silang nakausap ni isa na kilala si Mader Sitang.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN