Nicko Falcis "grateful, humbled" by dismissal of Kris Aquino theft complaint

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: Nicko Falcis on Facebook

Nicko Falcis takes to Instagram to express his feelings after the Makati Prosecutor's Office dismissed the qualified-theft complaint filed by Kris Aquino against him.


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Ipinagbunyi ni Nicko Falcis ang kanyang pagkapanalo sa Makati Prosecutor’s Office, kung saan ibinasura ng fiscal ang reklamong qualified theft na isinampa laban sa kanya ni Kris Aquino.

Sa kanyang Instagram ngayong Biyernes, February 22, nag-post si Nicko ng screenshot ng artikulong lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa desisyon ng Makati Prosecutor's Office.

Ngunit hindi buong titulo ng artikulo ang lumabas dahil ang makikita lamang ay ang salitang "dismissed."

Sa caption ay ibinahagi ni Nicko ang nararamdaman niya sa desisyong ito.

Buong mensahe ng certified public accountant: “Dismissed.

“The truth may hurt for a little while, but a lie hurts forever...

“GRATEFUL and HUMBLED #NoToBullying Let’s end this #Krisis.”

Naglabas ng resolusyon ang Makati Prosecutor’s Office nitong February 18, na pirmado ni Assistant City Prosecutor Paolo C. Barcelona at inaprubahan ni Senior Deputy City Prosecutor Emmanuel D. Medina.

Hindi nakitaan ng Prosecutor's Office ng "probable cause" o "sufficient evidence" ang reklamo ng web star upang iangat ito sa isang full-blown trial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagi pa ng desisyon: “WHEREFORE, premises considered, the complaints for qualified theft under art. 310 of THE REVISED PENAL CODE and violation of REPUBLIC ACT 8484 against Nicanor M. Falcis II are respectfully recommended to be dismissed, as upon approval, are hereby dismissed for lack of probable cause.”

Sinampahan ni Kris si Nicko ng 44 counts of qualified theft sa Makati at anim pang lungsod sa Metro Manila, kabilang na ang San Juan, Mandaluyong, Pasig, Taguig, Manila, at Quezon City.

Humihingi si Kris ng danyos na aabot sa of P32.27 million.

Ang Makati Prosecutor's Office ang unang naglabas ng desisyon sa complaint.

REBUILDING HIS LIFE

Sa pahayag na ipinadala sa PEP.ph ni Atty. Regi Ponferrada ng Ponferrada Ty Law Office, legal counsel ni Nicko, umaasa raw silang magiging paborable rin sa kanilang kliyente ang desisyon ng anim pang prosecutor's offices na dumidinig sa reklamo ni Kris.

Ayon pa sa abugado, ngayon ay unti-unti nang bumabangon si Nicko mula sa kinasasadlakang kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang buong pahayag ni Atty. Ponferrada (published as is):

“The past several months have been the worst months of Nicko Falcis' life.

“He has been maligned, threatened, and ridiculed.

“Hopefully, with the Resolution of the Office of the City Prosecutor of Makati City, he can start to rebuild his life.

“We also want to reiterate what we have been saying for the past months, that is, Nicko Falcis is innocent of the charges against him and that he did not steal or commit any crime whatsoever.

“We hope that the other prosecutors where the other similar cases are pending will also agree with our position.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa pahayag ni Kris Aquino at ng kanyang mga abugado kaugnay ng isyung ito.


Stories We Are Tracking

Kris theft complaint against Nicko dismissed by Makati court
Kris theft complaint against Nicko dismissed by Makati court


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN