UPDATED Gretchen Barretto throws thanksgiving party for Nicko Falcis victory against Kris Aquino

IMAGE Noel Orsal

Gretchen Barretto (left) celebrates the victory of Nicko Falcis against Kris Aquino (right) with a thanksgiving party attended by her close friends. The Makati Prosecutor's Office recently dismissed Kris's qualified-theft complaint against Nicko.


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Mukhang tunay na malalim ang hidwaan sa pagitan nina Gretchen Barretto at Kris Aquino.

Nitong Sabado, February 23, tila nagpatuloy ang pang-aasar at pang-iinis ni Gretchen kay Kris—ngunit kung hindi ito pananadya, mukhang naniniwala talaga si Gretchen na wala sa katwiran si Kris.

Isang salo-salong tinawag ni Gretchen na "thanksgiving party" ang hinanda ng actress/endorser para sa pagkapanalo ni Nicko Falcis sa reklamong qualified theft na isinampa ni Kris laban dito sa Makati Prosecutor's Office.

Ginawa ang handaan sa Forbes Park, sa isa sa mga bahay nila Gretchen at Tonyboy Cojuangco sa ilang exclusive village ng Makati.

Nauna rito ay binati ni Gretchen si Nicko sa pamamagitan ng Instagram post noong Biyernes, February 22: "Congratulations nix. God is good and just celebrating now."

Hindi malinaw kung imbitado mismo si Nicko sa thanksgiving party na inorganisa ni Gretchen, ngunit wala si Nicko roon.

Nang unang nagpasalamat si Nicko sa pagsuporta ni Gretchen noong Enero, sinabi nitong "grateful" siya dahil ni hindi niya kilala si Gretchen nang personal, at walang balitang nagkita na ang dalawa mula noon.

Dinaluhan ang thanksgiving party ng malalapit na kaibigan ng aktres, kabilang ang talent managers na si Bettina Aspillaga, na kanang kamay ni Boy Abunda, at si Dolor Guevarra, na kilalang malapit din kay Kris.

Ayon naman sa isang PEP source, kalimitang nagkikita ang grupo ni Gretchen kapag Biyernes, at biglaang naging "thanksgiving party" ang pagtitipon nila ng February 23 dahil, the day before, nalaman daw ni Gretchen ang pagkapanalo ni Nicko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano't-ano pa man, kasama sa mga handa ni Gretchen ay lechon, crabs, at ilan pang putahe.

 IMAGE Courtesy: @gretchenbarretto on Instagram

Nag-post din si Gretchen sa kanyang Instagram account ng larawan at video na kuha sa thanksgiving party.

Kalakip ang larawang kasama ni Gretchen ang mga kaibigan sa harap ng hapag kainan, may malinaw na caption itong: “Thanksgiving celebration for our dearest @nix722 @jesusfalcis.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Nix na tinutukoy ay ang certified public accountant na si Nicko, at si Jesus Falcis ay ang nakababatang kapatid ni Nicko na abugado.

Sa isa namang video, malinaw din sa caption ni Gretchen na handaan ito para sa tagumpay ng Falcis brothers: “This is a thanksgiving get-together party for Nix Falcis, congrats and to Atty. Jesus Falcis, congratulations.”

Noong Biyernes, February 22, nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng resolusyon ng Makati Prosecutor’s Office na nagbasura sa reklamo ni Kris laban kay Nicko.

Pirmado ito ni Assistant City Prosecutor Paolo C. Barcelona at inaprubahan ni Senior Deputy City Prosecutor Emmanuel D. Medina.

Nakasaad sa resolusyon na hindi napatunayan ni Kris na ninakawan siya ni Nicko ng P1.270 million sa pamamagitan ng paggamit ng company credit card.

May petsa ang desisyon na February 18, 2019.

October 12, 2018 nang magsampa ng reklamong 44 counts of qualified theft si Kris laban kay Nicko, na dati niyang business manager, dahil daw ginamit nito ang company credit card ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) nang walang pahintulot mula sa web star/social media influencer/endorser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inihain ito ni Kris sa pitong siyudad sa Metro Manila, kabilang na ang Makati, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Taguig, Manila, at Quezon City.

Ayon naman sa kampo ni Kris, maghahain sila ng motion for reconsideration dahil "irregular and legally flawed" daw ang naging desisyon ng fiscal ng Makati City.

UPDATE: Sumagot na si Nicko Falcis sa tanong ng PEP.ph kung imbitado siya ni Gretchen sa "thanksgiving party" nito para sa kanya.

Sabi ni Nicko, "No official invite. She just tagged us and greeted us."


Stories We Are Tracking

Kris theft complaint against Nicko dismissed by Makati court
Kris theft complaint against Nicko dismissed by Makati court
Nicko
Nicko "grateful, humbled" by dismissal of Kris complaint
Kris camp disses dismissal of theft complaint vs Nicko
Kris camp disses dismissal of theft complaint vs Nicko
Gretchen congratulates Nicko on dismissal of Kris complaint
Gretchen congratulates Nicko on dismissal of Kris complaint




ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN