Gretchen Barretto congratulates Nicko Falcis on dismissal of Kris Aquino's theft complaint

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @gretchenbarretto on Instagram

In January, following Kris Aquino's legal complaints against Nicko Falcis, Gretchen Barretto openly called Kris a "bully."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Patuloy pa rin si Gretchen Barretto sa pagpapakita ng suporta sa Falcis brothers, lalo na kay Nicko Falcis.

Ito ay sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ni Nicko sa nakaalitan nitong dating business partner na si Kris Aquino.

Isa si Gretchen sa mga hayagang nagbunyi sa pagkakabasura ng qualified-theft complaint na isinampa ni Kris laban kay Nicko sa Makati Prosecutor's Office.

Matatandaang nagsampa si Kris simula noong October 12 ng 44 counts of qualified theft sa Makati at anim pang lungsod sa Metro Manila, kabilang na ang San Juan, Mandaluyong, Pasig, Taguig, Manila, at Quezon City.

Inilabas ng Makati Prosecutor's Office ang desisiyon nito noong February 18.

Hinihintay pa ang desisyon ng prosecutors' office ng nalalabing anim na siyudad.

Komento ni Gretchen sa post ni Nicko kahapon, February 22: "Congratulations nix. God is good and just celebrating now."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito, naglagay rin si Gretchen ng tatlong "praying" emojis sa post ni Nicko. 

Kinagabihan ng February 22, ibinahagi naman ni Gretchen sa kanyang Instagram Stories ang dalawang screenshots ng bagong balita tungkol kay Kris, na kamag-anak ng kanyang long-time partner na si Tonyboy Cojuangco.

Isa na rito ang screenshot ng post ni Atty. Jess Falcis, nakababatang kapatid ni Nicko, tungkol sa interbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rhodora "Doray" Pascual Morales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Doray ang producer ng defunct travel show ni Kris na Trip Ni Kris, na umere noong 2017.

Naka-highlight sa post ang tinuran ni Doray sa tanong na "Hindi na talaga sila ulit nagkausap ni Kris?"

Sagot ni Doray sa PEP.ph, at sa iba pang entertainment press na kaharap niya, "Hindi na, hindi na. Nightmare siya sa akin! Pag nakita ko nga sa TV, pinapatay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kasunod na post ni Gretchen sa IG Stories nito ay screenshot ng breaking news sa PEP.ph tungkol sa pag-dismiss ng Makati Prosecutor's Office sa reklamong qualified theft na isinampa ni Kris laban kay Nicko.

Matatandaang sa kasagsagan ng kontrobersiya nina Nicko at Kris ay naghayag si Gretchen ng kanyang pagsuporta sa una, at tinawag niya ang huli na “bully.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naglagay pa si Gretchen ng isang video sa Instagram kung saan ginagaya niya ang sinabi ni Kris kay Nicko sa isang phone call: "HUWAG ka nang bumalik sa Pilipinas, nadinig mo, NO, huwag ka, PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO..."

Samantala, sa mga posts at statements ni Kris, patuloy nitong hindi pinapansin si Gretchen.

Ngunit ang kanyang mga abugado, ang Divina Law Office, ay naglabas ng statement para sa pangkalahatan matapos ng posts ni Gretchen.

Pinamagatang "SOCIAL MEDIA USERS' MALICIOUS ALLEGATIONS AGAINST MS. KRIS AQUINO," pinaalalahanan nito mga taong wala raw kinalaman sa mga legal issues nina Kris at Nicko na huwag makialam.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN