Janella Salvador no longer waiting for Elmo Magalona's apology: "What's done is done."

IMAGE Noel Orsal

Janella Salvador moves forward after controversy with Elmo Magalona: "It's just gonna bring me negativity to hope for something that's not gonna come. So I realized that forgiveness naman doesn't come from the other side. You can forgive on your own, so that's what I'm doing."


Ayaw na raw magtanim ng galit ni Janella Salvador, 20, kay Elmo Magalona, 24, sa kabila ng kontrobersiyal nilang alitan noong September 2018.

Kaugnay ito ng pag-amin ni Janella na may dalawang insidenteng pisikal siyang sinaktan ng noo'y rumored boyfriend na si Elmo, habang lasing ang aktor.

Ngayong araw, February 28, 2019, diretsahang tinanong si Janella ng entertainment reporter na si Allan Diones kung isyu pa rin ba sa aktres na hindi natupad ang hinihingi nitong pag-isyu ni Elmo ng public apology sa kanya. 

"What's done is done. If you can't get something out of someone, it's not worth it to stress out for," kalmadong pahayag ni Janella.

Hindi na raw umaasa si Janella na mag-sorry si Elmo sa nagawang pagkakamali nito sa kanya.

Patuloy niya, "It's just gonna bring me negativity to hope for something that's not gonna come.

"So I realized that forgiveness naman doesn't come from the other side.

"You can forgive on your own, so that's what I'm doing." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mahalaga ay mas natuto raw siyang maging matatag matapos ang karanasang iyon.

Sabi ni Janella: "I learned so much about myself. I'm wiser from the experience.

"Siguro, since that was my very first time to actually feel those kinds of feelings, I learned what I can tolerate, what I can't tolerate.

"The next time it comes in life, mas alam ko na how to handle it." 

Nakapanayam ng piling entertainment press si Janella matapos ang media launch ng iba't ibang digital anthologies ng Indigital Productions para sa IWant streaming app ng ABS-CBN.

Ginanap ang event sa Le Reve Events Place sa Quezon City.

Hindi malinaw kung naging magkarelasyon sina Janella at Elmo, na nakilala sa tambalan nilang ElNella mula 2016 hanggang sa pumutok ang isyung kinasangkutan nila noong September 2018.

Mismong ina ni Janella na si Jenine Desiderio ay sinabi noong pinuntahan pa siya sa bahay ni Elmo tatlong linggo matapos ang insidenteng pisikal na nasaktan ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jenine, nangako pa si Elmo sa kanyang maglalabas ito ng "video apology" para kay Janella, ngunit hindi raw tumupad sa usapan ang binata.

Sa parte ni Elmo, hanggang sa kasalukuyan ay tikom ang bibig nito tungkol sa akusasyon ni Janella. 

Noong kasagsagan ng isyu, ang ina ni Elmo na si Pia Magalona ay nag-reply sa isang tweet ng isang concerned fan na huwag na itong mag-alala sa kabila ng pinagdadaanang problema noon ng binata.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN