Pinagsisisihan ni Will Smith ang "unacceptable and inexcusable behavior" na ipinamalas niya nang hatawin niya sa mukha si Chris Rock sa live program ng 94th Academy Awards.
Read: Oscars 2022: CODA wins Best Picture; Best Actor winner Will Smith slaps Chris Rock on live TV
Kung noong gabi ng parangal ay sorry-not-sorry pa si Will, ngayong Martes, March 29, 2022 (Philippine Time), ay naglabas siya ng public apology kay Chris at sa bumubuo ng Academy Awards.
Inamin ni Will na nasaktan siya para sa misis na si Jada Pinkett Smith nang gawing katatawan ni Chris ang health condition ni Jada na alopecia o hair loss.
Ganunpaman, napagtanto ni Will na hindi sagot ang violence nang magpadala siya sa emosyon at sampalin si Chris.
Narito ang kabuuang pahayag ni Will sa kanyang Instagram:
"Violence in all of its forms is poisonous and destructive. My behavior at last night’s Academy Awards was unacceptable and inexcusable.
"Jokes at my expense are a part of the job, but a joke about Jada’s medical condition was too much for me to bear and I reacted emotionally.
"I would like to publicly apologize to you, Chris. I was out of line and I was wrong.
"I am embarrassed and my actions were not indicative of the man I want to be. There is no place for violence in a world of love and kindness.
"I would also like to apologize to the Academy, the producers of the show, all the attendees and everyone watching around the world.
"I would like to apologize to the Williams Family and my King Richard Family.
"I deeply regret that my behavior has stained what has been an otherwise gorgeous journey for all of us."

Si Will ay pinarangalang Best Actor sa Oscrs 2022 para sa natatanging pagganap niya sa pelikulang King Richard, kunsaan gumanap siya bilang Richard Williams, ama ng tennis champions na sina Venus at Serena Williams.
CRITICISMS FROM WILL SMITH'S COLLEAGUES
Nabahiran ng kontrobersiya ang pagkapanalo ni Will nang saktan niya si Chris sa mismong awards ceremony.
May mga nagsabing hindi iyon ang unang pagkakataong ginawang katatawanan ni Chris ang misis ni Will sa Oscars, at hindi rin daw lingid sa kaalaman ng sirkulo sa Hollywood na may auto-immune disease si Jada.
Pero kahit sinasabing wala rin sa hulog ang biro ni Will na mala-G.I Jane ang hairstyle ni Jada, marami sa mga kasamahan ni Will ang nadismaya sa inasal nito.
Marami ang kumuwestiyon kung paano nangyaring nanampal si Will, at pagkatapos ay nabigyan pa rin ng standing ovation bilang Best Actor.
Read: Hollywood stars call out Will Smith for "narcissistic, entitled child man" act at the Oscars
Nangyari ang insidente ilang sandali bago hirangin si Will bilang Best Actor.
Sa kanyang acceptance speech, naging emosyunal si Will at humingi ng paumanhin sa insidente.
Pero kapansin-pansing hindi binanggit noon ni Will ang pangalan ng sinampal niyang si Chris.
Aniya, "I want to apologize to The Academy, I want to apologize to all my fellow nominees."
Pag-ugnay pa niya sa kanyang inasal sa ginampanang papel sa King Richard: "Art imitates life. I look like the crazy father, just like Richard Williams... But love will make you do crazy things."
ACADEMY AWARDS STATEMENT
Naglabas naman ng pahayag ang bumubuo ng Academy Awards na kinokondena ang hindi magandang inasal ni Will sa programa.
Ito ay sa gitna ng mga kuwestiyon kung bakit hindi raw inaksyunan agad ng film academy ang pananampal ni Will kay Chris.
Sabi pa sa statement: "We have officially started a formal review around the incident and will explore further action and consequences in accordance with our Bylaws, Standards of Conduct and California law."
Sinasabing posibleng ma-sanction si Will kaugnay ng kanyang membership sa Oscars. Hindi naman malinaw kung posibleng bawiin ang acting award na tinamo nito.
