Nagpapagaling na ngayon ang American Pop singer na si Madonna, 64, matapos siyang isugod sa ospital.
Huwebes ng umaga, June 29, 2023, naiulat ng ilang American entertainment news site na isinugod sa ospital sa New York City si Madonna dahil natagpuan siyang "unresponsive."
Read: Geneva Cruz reacts to "mas kamukha ni BB," "mukhang bakla" comments about her Madonna transformation
Kinumpirma rin ito ng manager niyang si Guy Oseary, nang mag-upload ito sa Instagram ng update tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Queen of Pop.
Ayon kay Guy Oseary, noon pang June 24, nang dalhin sa ICU [Intensive Care Unit] si Madonna dahil sa "serious bacterial infection."
Read: Madonna's two-night Manila concert grossed $4.9 million
Ilang araw din daw itong nanatili sa ICU bago siya ilipat sa medical care.
Sa ngayon, “improving” na ang kanyang kalagayan at inaasahang sa madaling panahon ay makaka-recover siya at makakalabas sa ospital.
Bahagi ng post ng manager ni Madonna (published as is), “On Saturday June 24, Madonna developed a serious bacterial infection which lead to a several day stay in the ICU.
“Her health is improving, however she is still under medical care. A full recover is expected.”
Inanunsiyo rin ni Guy Oseary na panandalian muna nilang ikakansela ang mga commitments ni Madonna kabilang ang kanyang world tour.
“At this time we will need to pause all commitments, which includes the tour.
“We will share more details with you soon as we have them, including a new start date for the tour and for rescheduled shows.”
Magsisimula sana ang world tour concert ni Madonna na Celebration Tour sa July 15 sa Vancouver, Canada.
Si Madonna ang nasa likod ng mga hit songs kagaya ng "Like a Virgin," "Material Girl," "Vogue," "La Isla Bonita," at "Like A Prayer."
Read: Kris Aquino explains why she did not watch Madonna's concert
