Lumilikha ng ingay ngayon sa international politics ang bagong itinalagang prime minister ng France na si Gabriel Attal.
Sa edad na 34, si Gabriel ang youngest French prime minister, matapos siyang i-appoint ni President Emmanuel Macron.
For the longest time, ang distinction na ito ay hinawakan ni Laurent Fabius, na 37 anyos nang italaga ni former President of France Francois Mitterand bilang prime minister noong 1984.
Bukod pa rito, si Gabriel din ang tinaguriang “first openly gay man” na prime minister.
Dahil dito, isa siya sa itinuturing na pinakaprominente at pinakamakapangyarihang pulitiko na miyembro ng LGBTQIA community.
Read: Meet Sonya Kumar, VIP nanny who earns up to PHP14 million a year

Bago i-appoint bilang prime minister, si Gabriel ay nagsilbing minister of education and national youth ng France simula July 2023.
Ayon sa ulat ng CNN, isa sa kanyang controversial stand ay ang pagsuporta sa desisyon ng korte na i-ban sa public schools ang pagsusuot ng abaya, ang robe-like garment ng mga babaeng Muslim.
Aniya sa X, dating Twitter, "The purpose of schools is to welcome all students, with the same rights and duties, without discrimination or stigmatization."
Tinutukan din ni Gabriel ang pagkakaroon ng school awareness laban sa bullying.
Pero nag-umpisa siyang mapansin ng publiko noong italaga siyang spokesman sa panahon ng pandemya.
From there, sunud-sunod ang mabilis na pag-akyat ng posisyon niya.
Read: Thousands of sardines washed ashore in Sarangani: Is this “blessing” or “bad omen”?
Nang ma-reelect si Macron bilang president of France para sa pangalawang termino noong May 2022, itinilaga si Gabriel bilang head ng ministry of public works and public accounts, and, eventually, bilang education minister.
In less than four years, naging prime minister siya.
