PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Japan 2024 Karolina Shiino dates married man; gives up crown

Organization says Karolina lied about not knowing the man is married
by Bernie V. Franco
Published Feb 6, 2024
Karolina Shiino
Karolina Shiino recently bacame controversial for winning Miss Nippon (Japan) 2024 even if she has no Japanese blood. Just two weeks after winning the crown, she relinquished her crown after being discovered that she is dating a married man.
PHOTO/S: @karolina0824 on Instagram

Isinuko ng Ukraine-born beauty queen na "Miss Japan" 2024 contest ang kanyang korona dalawang linggo matapos niya itong mapanalunan.

Ang dahilan, napaulat na nagkaroon siya ng affair sa isang married man.

Kinoronahang Miss Nippon (Japan) Grand Prix 2024 si Karolina Shiino sa pageant na ginanap noong January 22, 2024.

Ang pageant ay para sa mga kandidatang magiging goodwill ambassadors sa Japan. Iba pa ito sa national pageant doon na nagpapadala ng candidate sa Miss Universe pageant.

Una nang naging kontrobersiyal ang pagkapanalo ni Karolina dahil wala naman siyang dugong Japanese.

Read: Beauty candidate without Japanese blood wins pageant in Japan; gets mixed reactions

Karolina Shiino Miss Japan 2024

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karolina Shiino (center) wins Miss Nippon (Japan) Grand Prix 2024 last January 2024 even if she has no Japanese blood

Ipinanganak siya ng kanyang Ukrainian parents sa Ukraine. Naghiwalay ang kanyang mga magulang at lumipat siya at ang kanyang ina sa Japan noong five years old lamang si Karolina.

Nakapag-asawa ng Hapon ang kanyang nanay. Dinala ni Karolina ang apelyido ng kanyang stepfather.

Nabigyan si Karolina ng naturalized citizenship sa Japan noong 2022.

Si Karolina ang kauna-unahang Miss Japan winner na nag-relinquish ng korona.

Ipinahayag na ng beauty pageant organization na walang ipapalit kay Karolina at mababakante ang posisyon sa loob ng buong taon.

Read: Story of Heidi Yeh: the "mom" in viral family picture; a victim of fake meme

Iniulat sa Japanese weekly tabloid na Shukan Bunshun na idini-date ni Karolina ang isang doktor na may asawa.

Noong una, nag-react ang Miss Japan organization at ipinagtanggol si Karolina.

Nanindigan daw ang doktor na single na siya ngayon. Hindi rin daw alam ni Karolina na may previoius marriage ang doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa update ng Miss Japan organization nitong Lunes, February 5, nadiskubre nilang nakipag-date si Karolina kahit alam niyang kasal ang doktor.

Humingi raw ng tawad si Karolina sa pagsisinungaling. Tinanggap daw ng organisasyon ang pagsuko niya ng titulo bilang Miss Japan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karolina Shiino recently bacame controversial for winning Miss Nippon (Japan) 2024 even if she has no Japanese blood. Just two weeks after winning the crown, she relinquished her crown after being discovered that she is dating a married man.
PHOTO/S: @karolina0824 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results