Trending sa social media recently ang isang empleyado na nag-post ng rant patungkol sa ka-opisina at sa tauhan ng Human Resources (HR) department ng kanilang kumpanya.
Kinain kasi nang walang paalam ng ka-opisina ang kanyang baon na nasa refrigerator.
Ang siste: Nagka-allergy ang ka-opisina.
At ang mas kakatwa: Inireklamo sa HR ang empleyadong may-ari ng baon.
Read: 17-year-old becomes youngest bar passer in California
MISSING BAON
Kuwento ng empleyado, pinabaunan siya ng kanyang nanay ng okoy na may hipon noong araw na iyon.
Bukod sa shrimp, may sahog din itong fish meat at gulay.
Meron din daw itong peanut sauce kaya talagang excited kumain ang empleyado pagsapit ng lunch time.
Heto na, selyado at naka-pack mabuti ang baunan. Nilagyan niya ito ng pangalan at inilagay sa refrigerator. Balak niya itong initin sa microwave kapag kakainin na niya.
So, imposibleng hindi alam ng ka-opisina na may ibang nagmamay-ari sa minukbang niyang baon.
Pero oras ng lunch time, nagulat na lang ang empleyado nang makita ang kanyang baunan na wala nang laman at nasa sink.
Sa sobrang galit daw niya, nagpunta raw ito sa manager para i-report ang insidente.
Pero mas ikinagulat niya ang mga sumunod na nangyari.
Read: Fil-Am content creator mourns passing of Grandma, the star of his videos
CULPRIT BEHIND MISSING BAON
Inatake kasi ng allergy ang ka-opisina na kumuha at kumain ng kanyang baon.
Post ng empleyado (published as is), “After ilang minutes may ka-work ako na di daw makahinga at pantal yung face. Allergy daw ganun so ako wala akong pake kasi gutom na ako and galit na galit.
“Umuwi akong badtrip at alam ng manager ko un.”
Ang sumunod na nangyari, nakatanggap siya ng email mula sa HR at pinapatawag siya for a meeting.
“Um-attend ako at sinabi na kasi daw may nag-report na ako daw yung cause ng near-death experience ng ka-work ko.
“Intentional na naglagay daw ako ng something sa food ko,” salaysay ng empleyado sa kanyang post.
Ni hindi nga raw niya kilala ang ka-opisina dahil magkahiwalay sila ng department: ang may-ari ng baon ay nasa development/tech department, habang ang kumain ng baon ay nasa support/customer service.
Hiwalay rin daw ang HR department na kumausap sa kanya at sa ka-opisina.
Ang ikinaloka ng empleyado, siya raw ang sinisisi ng HR support representative.
Ang pagkuha ng bagay na hindi sa iyo, maliit man o malaki ay pagnanakaw.
Kaya may karapatan ang empleyado na magreklamo nung nawala ang baon sa ref.

BLAME GAME
Lalong nanaig ang galit at uminit ang ulo ng empleyado sa mga narinig na paratang laban sa kanya.
Siya na nga ang ninakawan ng baon, siya pa ang naging masama.
“Sabi ko, gusto ko andito boss ko, pinatawag boss ko and told HR everything and demanded them to check yung CCTV sa IT kasi magrereklamo ako ng theft.
“Pero mukhang siding ung HR sa magnanakaw ko na katrabaho.
“So, dapat before ako nagbaon ng pagkain, ask ko muna mga katrabaho kong magnanakaw if allergic sila?” himutok ng empleyado.
POINTS OF REALIZATION
Marahil dala ng galit, inis, at bugso ng damdamin ang pag-post ng empleyado ng rant na yun. Hindi niya akalaing may mga nag-screen shot at nag-viral pa ang post niya.
May mga nakaunawa sa kanya, pero meron din daw mga nag-okray.
May ilan ding nagparatang na gawa-gawa lang niya ang kuwento.
Samantala, tinulungan ang empleyado ng kanyang boss at ng HR ng kanilang department na ma-prioritize ang kanyang isyu.
“Kabado ako and ipinakuwento lahat while si IT /Security team naka-ready to play ung CCTV.
“Binigay ko lang yung side ko, same story while pointing sa screen na nakita nila nagsulat ako ng note before ko ilagay sa ref ung baon ko.
“Then pinakita yung time na kinuha ni Ate Girl yung food ko, linagay sa microwave, happily eating it and linagay sa sink ang baonan (di man lang hinugasan),” himutok nito.
Nalaman din ng empleyado na ginawan pa siya ng kuwento ng salarin. Kesyo inalok daw ng empleyado ang kanyang baon sa ka-opisina.
Pero nung nagkaharapan na, umamin din ang huli na hindi totoo ang mga nauna niyang kuwento.
Napag-alaman ding matagal na pala itong ginagawa ng ka-opisina.
“Wala naman nagrereklamo at yung mga food na parang nakalimutan na yung kinukuha niya kasi sayang daw. Pero inamin naman niya na kinuha niya without permission yung food ko.”
Sa puntong iyon, hindi na raw alam ng empleyado kung ano ang kanyang reaksiyon—maiinis ba o maaawa.
Nasa meeting din daw ang HR head at managing director ng kumpanya.
Natalakay rin daw ang hindi patas at unprofessional na treatment ng HR representative, na umaming nataranta ito sa mga pangyayari, lalo pa't near-death experience ang nangyari sa ka-opisina.
Yun nga lang, hindi nag-imbestigang mabuti ang HR representative, na aminado namang nagkaroon siya ng may lapse of judgement at pagkakamali.
Tiniyak sa empleyado ng HR heads at directors na mananagot ang HR representative na kumunsinti sa maling aksiyon ng ka-opisina.
Ni-remind din aniya siya tungkol sa social-media policy ng kanilang kumpanya.
“Good thing I never dropped any name sa post and all parties agreed na iwas sa public posts. If ever may kumalat na names they will let us decide sa action.
"They also advised me na puwede ko naman i- keep ko ung post ko since it’s my right naman but if umabot ung point na against na sa data privacy law/demafation ibang usapan na daw siya.”
Matapos ang meeting na iyon, pinalabas na raw ang empleyado habang naiwan ang lahat ng nasa meeting.
Ang sumunod na update ay tungkol sa desisyon ng upper management regarding the issue.
JUSTICE SERVED, LESSONS LEARNED
The fact na nakinig at nagkaroon ng closed-door meeting ang mga tag-HR at boss ng empleyado, ibig sabihin, may hakbang na patungo sa hustisya.
Napag-alaman niyang under Performance Improvement Plan (PIP) na ang ka-opisina.
Pero may iba pang discovery tungkol sa ka-opisina.
May two theft incidents na raw na kinasangkutan ito, pero walang naglakas-loob na mag-voice out ng complaint.
Dito rin na-discover na tinatago ng HR representative ang mga incidents o reklamo laban sa ka-opisina.
Magkakilala kasi ang dawala. In fact, referral daw ng HR representative ang ka-opisina.
“Suspended ng 1 month si HR Rep and ma-under PIP siya. Pero sabi ng boss ko, parang pinag-resign na lang pag PIP di ka eligible [for] any increase or promotion.”
Marami namang netizens ang nag-react at nagbigay ng kanilang opinyon.
Gaya ng kay Tina Khoe Ang, na siyang nag-repost ng rant ng empleyado. Si Tina ay isang digital creator at human resources management graduate.
Inisa-isa ni Tina ang mga punto na gusto niyang linawin sa mga tao tungkol sa empleyado, ka-opisina, at HR ng kumpanya.
Nagsusumigaw na title ni Tina sa kanyang reaksiyon (published as is): “THEFT-THE THIEF MUST BE DISCIPLINED EVEN TERMINATED FOLLOWING DUE PROCESS.”
Sabi niya, “The HR [representative] took the side of the thief and even wanted to put the employee on due process. Apparently nalaman pala na friend ni HR si employee so malakas siya.
“Yung nagnakaw, pinagtanggol pa.
“The elements of the crime of theft are as follows:
“1. That there be taking of personal property
“2. That said property belongs to another.
“3. That the taking be done with intent to gain.
“4. That the taking be done without the consent of the owner
“5. That the taking be accomplished without the use of violence.
“Her stealing the food is already just cause for termination following due process. Kahit okoy lang ‘yan, pagnanakaw pa rin ‘yan,” sabi ni Tina.
“As for the HR, the dude makes all HR look bad for his lack of common sense. First the HR makes no effort to settle the issue of theft. Second gumawa pa ng ‘manslaughter’ allegation na hindi naman tama ang definition.
“Parang may pumasok na robber sa bahay mo tapos nasugatan. Tapos kakakasuhan ka because nasugatan siya dahil sa katangahan niya.
“The owner should actually give the HR an incident report and notice to explain his actions toward the EE.
“Ngayon nag viral, I’m sure that HR is hiyang-hiya. The company too is embarrassed because their HR is incompetent.”