Muntik nang maglaho tulad ng abo ang pangarap ng isang iskultor na maging bahagi ng Guinness World Records ang kanyang obra.
Ni-reject kasi ang likha niyang 23.6-foot replica ng kilalang Eiffel Tower na gawa sa posporo.
Pero binawi ng rin ng Guinness ang una nitong desisyon at kinilala si Richard Plaud ng France, 47, at ang obra niyang natapos sa loob ng walong taon—mula December 2015 hanggang December 2023.
Isinumite niya noong January 5, 2024 ang kanyang finished project sa Guinness, na that same month.
Natanggap niya noong January 24 ang desisyon ng Guinness na i-disqualify ang kanyang obra dahil hindi raw available sa market ang posporong ginamit.
Read: Female doctor ambushed in Maguindanao escapes despite three gunshot wounds

French artist Richard Plaud used 700,000 matchsticks for the 23.6-foot Eiffel Tower replica.
HOW RICHARD STARTED BUILDING HIS PIECE
Sa murang edad, nagkaroon na ng interes ni Richard sa pag-build ng mga bagay, tulad ng model trains gamit ang Lego, ulat ng The Washington Post.
Kumuha at nagtapos siya ng civil engineering sa kolehiyo.
Noong 1996, sinimulan niyang gumawa ng construction crane model gamit ang mga posporo. Natapos niya ito noong 1999.
Ang sumunod niyang project ay ang model ng French icon na Eiffel Tower.
Naging target din niyang maging Guinness World Records holder, at malampasan ang record holder na si Toufic Daher, isang Lebanese, na nakagawa ng 21.5-foot Eiffel Tower noong 2009.
Ang gagawin niyang Eiffel Tower model na gawa sa posporo ay 23.6 feet para malampasan ang record holder.
Noong December 30, 2015, sinimulan ni Richard ang kanyang23.6-foot Eiffel Tower project gamit ang mga posporong binibili sa grocery store.
Pinutol ni Richard ang mga red tips.
Nang makagamit na siya ng 54,000 sticks, tinawagan ni Richard ang local manufacturer ng posporo at hiniling kung puwede siyang bumili ng maramihan nang walang red tip.
Pumayag ang matchstick manufacturer, at binentahan si Richard ng 760,000 piraso ng posporo.
Sampung oras kada linggo ang nilalaan ni Richard sa kanyang project.
Bukod kasi sa may trabaho siya bilang manager ng roadway projects sa regional government, ayaw rin ni Richard na mawala ang oras niya sa pamilya.
At natapos nga niya ito noong December 27, 2023, na itinaon din ni Richard sa 100th death anniversary ng designer ng tower na si Gustave Eiffel.
Read: Lugar na most-viewed photo in history, ano na ang itsura ngayon?

It took Richard eight years to build the miniature.
GUINNESS CHANGES PREVIOUS DECISION
Sobrang nadismaya ang iskultor sa desisyon ng Guinness.
Pero umapela siya.
February 7, inabisuhan siya ng Guinness na muli nitong pag-aaralan at pag-uusapan ang obra niya.
Makalipas ang ilang araw, inilabas ang desisyon.
Saad ni Guinness Spokeswoman Kylie Galloway sa report ng The Washington Post, tiningnan nilang muli ang entry ni Richard matapos ma-disqualify.
Nagsaliksik din daw sila ng techniques sa mga gumagamit ng matchstick model community.
Inamin ng Guinness na naging padalus-dalos ito kaya binaligtad nito ang naunang desisyon.
Sa huli, binati si Richard sa pagiging “officially amazing.”
Siyempre, masayang-masaya si Richard dahil ang kanyang feat ay siya ring childhood dream niya.
