PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DFA Clarifies Pinoy vs Thai Trans Women Clash

DFA says there were only three Pinoys involved, not 20.
by Bernie V. Franco
Published Mar 7, 2024
Pinay trans versus Thai trans and Ivy Garcia
(Left photo) Local policemen in Thailand could not control the Thai crowd attacking Filipino trans women, who allegedly mocked Thai trans earlier this week. (Right photo) Pinay trans women Ivy Garcia attacked by Thais. Later on, it was reported that Ivy was not even involved in the clash between Pinoy and Thai trans women.
PHOTO/S: Facebook

May paglilinaw ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng alitan na nangyari sa pagitan ng mga trans women—Filipino versus Thai—sa Thailand kamakailan.

Sa naunang ulat, sinabing 20 Pinoy umano ang nangutya sa apat na Thai trans women.

Pagkatapos, sumugod ang may 100 Thais, karamihan ay trans women, sa hotel na tinutuluyan ng mga Pinay trans at pinalalayas ang mga ito.

Nauwi ito sa pagkuyog ng Thais sa mga Pinay trans.

Kahit mga pulis ay walang nagawa sa dami ng mga kumuyog sa mga Pinay trans.

Nagsimula ang lahat sa harap ng isang restaurant sa isang street sa Bangkok, Thailand, noong March 4, 2024.

Kumalat sa social media ang mga videos kaugnay ng mga insidente—mula sa pangungutya ng Pinay trans sa Thai trans hanggang sa pagkuyog ng maraming Thais sa Pinay trans.

Read: What exactly happened during Pinoy vs Thai trans women clash in Thailand?

DFA MAKES CLARIFICATIONS

Nagbigay ng pahayag ang DFA tungkol sa nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa imbestigasyon nila, tatlong Pinay trans lamang laban sa dalawang Thai trans ang unang nasangkot sa pangungutya sa harap ng isang resto sa Bangkok.

Taliwas ito sa bilang na iniulat ng Thai at iba pang foreign news wires na 20 ang Pilipinong nakipag-away sa apat o limang Thai trans.

Sabi pa ng DFA, ang pang-apat na nasangkot sa gulo ay nadawit lamang at hindi raw kasama sa gulo.

Siya ay si Ivy Garcia.

Sinabi ng ahensiya na bystander lamang si Ivy nung nakipagsagutan ang tatlong Pinay trans sa dalawang Thai trans noong simula.

Inilahad ni Ivy ang kanyang sinapit sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong March 6, 2024.

Nasa hotel daw siya noon at nagpa-deliver ng pagkain. Nang kukunin na niya ito sa labas ng hotel, kinuyog na siya ng napakaraming Thais na nakaabang.

Nangingitim ang likod ni Ivy sa dami ng kalmot at nagtamo pa ng black eye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 70-year-old man named Donald holds world record for eating 34,000 Big Mac sandwiches

Ivy Garcia

Ivy Garcia, a Pinay trans in Thailand, says she was not really involved in the clash.

Read: Swimming champ disqualified for crossing teammate’s lane to congratulate him

Sinabi pa ni Ivy na kahit ang mga pulis na rumesponde, hindi nagawang awatin ang dami ng Thais na sumugod sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi rin ni Ivy na hindi raw niya alam ang away sa pagitan ng dalawang grupo.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, tatlong Pilipino lamang ang iniimbestigahan, pero dalawa lamang ang nahaharap sa mga kasong assault at battery.

Nilinaw rin niya na walang kinalaman si Ivy sa gulo at nadawit lamang.

Sa kasalukuyan, si Ivy ay nagpapagaling na.

Sinabi rin niya sa post na walang katotohanan ang pag-aaway umano ng Pinay trans at Thai trans dahil sa foreign clients.

Hindi naman niya idinetalye kung ano ang rason.

Sabi ni De Vega kaugnay ng mga kababayang trans, “We’re trying to make it low-key para either ma-dismiss o mabigyan na lang ng light sentence o ma-deport.”

Inaasahang magkakaroon ng hearing nitong March 8, Biyernes, kaugnay ng dalawang Pinay trans na kinasuhan.

Sinabi rin ni De Vega na isa sa apat na Pinay trans ang magsasampa rin ng reklamo dahil sa pananakit sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ibang Pinay trans ay nakalipat na ng hotel, at ilan sa kanila ay nakauwi na sa bansa.

Sinabi rin ng DFA na hindi sex workers ang mga Pinay trans na sangkot sa isyu kundi mga turista sa Thailand.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Local policemen in Thailand could not control the Thai crowd attacking Filipino trans women, who allegedly mocked Thai trans earlier this week. (Right photo) Pinay trans women Ivy Garcia attacked by Thais. Later on, it was reported that Ivy was not even involved in the clash between Pinoy and Thai trans women.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results