PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinoy vs Thai Trans Women Clash in Thailand: Details

Who instigated the brawl?
by Bernie V. Franco
Published Mar 6, 2024
Thailand Pinay trans women and Thai trans women
A group of Thai people, mainly trans women, came together and had a fight with a group of Filipina trans women, who allegedly mocked Thai trans women.
PHOTO/S: X

Mainit na usapin ngayon sa LBGTQIA community ang naganap na rambulan sa pagitan ng Filipino at Thai transgender women.

Naging malaking isyu ito sa Thailand, kung saan nagsimula ang insidente sa isang restaurant noong Lunes, March 4, 2024.

Una munang lumabas sa social media ang video ng grupo ng Filipino trans women na kinukutya ang ilang Thai trans women.

Nasa fight mode ang mga Pinay trans women. Maririnig silang hinahamon ang Thai trans women.

Pansin din na mas marami ang bilang ng grupo ng mga Pinoy.

Read: Here's the story behind bitten apple logo of Apple

Pinoy and Thai trans women

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinoy and Thai trans women

A Pinay transgender woman taunts a Thai transdender woman in a district in Thailand.

May isa pang lumabas na video na makikitang nagkapisikalan ang dalawang grupo.

Sumunod nito ay lumantad ang isa pang video na makikitang napakaraming Thai ang nasa harap ng isang hotel, at sumisigaw ng, “Get out!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat, pinapalabas ng Thai LGBTQIA community ang grupo ng mga Pinay trans na nangutya sa grupo ng Thai trans.

Mapapanood din na nagtungo sa lokasyon ang pulis para awatin ang gulo.

Read: Content creators respond to Benny Blanco’s harsh review of Pinoy food

THE REPORT IN THAILAND

Sa inilabas ng Thai news site na The Nation noong March 5, Martes, sinabing nagtungo ang mga pulis mula sa Lumphini station sa restaurant sa Soi Sukhumvit 11 district para awatin ang nangyaring away sa pagitan ng 20 Filipino trans women at apat na Thai trans women.

Sinabi ring dati nang nag-aaway ang dalawang grupo, pero ngayon lang nauwi sa pisikalan.

Ani Lumphini station police chief Colonel Yingyos Suwanno, dinala sa presinto ang dalawang grupo para ma-interview.

Matapos magbanggaan ang 20 trans Pinay at apat na Thai trans, sumugod ang 100 Thai—karamihan ay mga trans, para humingi ng update sa insidente.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakiusap ang isa sa kanila na dagdagan ang police presence sa Soi Sukhumit 11/1 para mapuksa ang pananakit sa Thai trans.

Pero umabot din sa pisikalan ang baganyan ng dalawang grupo sa istasyon ng pulis.

Read: Son of Asia’s richest man hosts pre-wedding party worth PHP6.7B; Rihanna paid PHP425M for 90-minute show

LARS PACHECO SPEAKS UP ABOUT PINAY-THAI-TRANS WOMEN RUMBLE

Nagbigay ng pahayag ang Filipina trans celebrity na si Lars Pacheco, Miss International Queen Philippines 2023.

Inilabas ni Lars ang kanyang statement sa pamamagitan ng seven-minute video sa TikTok nitong March 5.

Pinanood niya umano ang mga kumalat na videos.

Bago siya nagsalita, sinabi niyang mahal niya ang Filipino community.

Bilang isang LGBTQIA advocate, sinabi ni Lars na pakiramdam niya ay kailangan niyang magsabi ng kanyang saloobin sa insidente.

“I saw a video clip that there is this group of Filipinos who were bullying or who did attack Thai people or Thai trans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Lars, wala siya sa pangyayari kaya kinailangan niyang magtanung-tanong para malaman ang konteksto ng insidente.

Ipinakita niya ang screenshot ng pakikipag-usap sa dalawang kaibigang Thai trans para tanungin ang tungkol sa away ng dalawang grupo.

Sabi ng isa sa nakausap ni Lars, may isang Filipina trans na nagbitbit ng kasamahan sa isang restaurant sa Soi Sukhumvit 11 district.

Dito raw ay kinutya ng mga Pinoy ang mga kabaro nilang Thai.

Sinabi ng Thai na kaibigan ni Lars na may kinalaman ang away sa “services,” na tinukoy ni Lars na prostitusyon.

Ibig sabihin, may pag-aaway ang dalawang grupo ng trans women pagdating sa kanilang clientele.

Lars Pacheco

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugma ang pahayag na ito sa messages ng isa pang Thai friend ni Lars via messaging.

Kaya umabot umano sa 100 ang mga Thai na sumugod para paalisin ang mga Filipino trans sa tinutuluyang hotel matapos ang insidente.

Sinabi rin ng Thai friend ni Lars na nasaktan ang mga Thai trans sa pangyayari.

Ani Lars, “I love Filipinos, but we are not in our own country. So the only option that we have is to be respectful.”

Hindi raw niya maisip kung bakit pinagtulungan ng 20 Pinoy trans ang 4-5 Thai trans.

“That is even unfair when it comes to fight. Wala tayo sa bansa natin. Ang tanging gawin natin diyan is maging respectful tayo, makisama tayo. Kasi tayo lang ang nakikipuwesto diyan,” panawagan ni Lars sa kanyang mga kababayan.

Nakita raw ni Lars kung paano nagkaisa ang mga Thai laban sa ginawa ng mga Pinoy trans na sangkot.

“For this Thai people to be this united I can say that these Filipinos really did something serious.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Giit niya, “It’s a basic act of etiquette na if you’re not in your country, you should act right.”

Pakli pa ni Lars, hindi niya alam kung ano ang magiging epekto ng pangyayari sa iba pang Pinoy na pupunta sa Thailand at nais magtrabaho.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A group of Thai people, mainly trans women, came together and had a fight with a group of Filipina trans women, who allegedly mocked Thai trans women.
PHOTO/S: X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results