Warm up muna bago magnakaw!
Tila tiniyak muna ng isang babae na nasa tamang kondisyon ang kanyang pangangatawan bago nilooban at ninakawan ang isang bakery sa Australia.
Sapul sa CCTV ang stretching at ginawang yoga routine ng babaeng suspek sa parking area ng bakery sa Melbourne.
Nakasuot ng all-black outfit ang babae na makikitang nag-iinat ng katawan at nag-yoga.
Matapos ang tinatayang two-minute warm up, pumasok na ito sa bakery at nagnakaw, ulat ng 9 News sa Australia, March 18, 2024.
Read: Filipino couple drowns in Australia while fishing; leaves behind 13-year-old daughter


The suspect is a woman clad in a black outfit, and is caught on CCTV doing Yoga positions before robbing the shop.
Read: 12-year-old kid traps leopard inside office
Ayon sa police, inaresto nila ang 44-year-old suspect mula sa Richmond, Melbourne dahil sa pagnanakaw noong March 3, dakong alas-tres ng madaling araw.
Tinangay umano ng suspek ang baker’s shoes, cleaning products, isang iPad, pati na rin ang ilang tinapay.
Sa Facebook account ng bakery, ipinost nito ang CCTV ng female suspect habang ginagawa ang yoga poses sa labas ng bakery.
Caption nila, “We were quite surprised when we saw the security footage from a recent break in at our Bakery HQ. Seems like yoga is a must before breaking in.
“A few things were stolen including some croissants which were cleary too tempting for this flexible burglar.”
Sinampahan ang suspek ng reklamong “theft, burglary, and going equipped to steal.”
Nakapagpiyansa ang female suspect, pero nakatakda siyang dumalo sa pagdinig sa Melbourne Magistrates’ Court sa darating na Mayo 2024.
