TRIGGER WARNING: (Mention of euthanasia, death)
Sa marriage vow, parte ang pangako ng ikinakasal ang pagsasabi ng, “in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part."
Isinabuhay ito ng couple na member ng LGBTQIA community sa Netherlands.
Nagdesisyon ang lesbian Dutch couple na sabay na mamatay dahil hindi nila kayang maiwan ang isa.
Saksi sa madamdaming pangyayaring ito ang doktor na nag-assist sa couple para mabigyan sila ng euthanasia.
Ang euthanasia ay voluntary death na assisted ng doktor.
Ang Netherlands at Belgium ay dalawang European countries, kung saan legal ang euthanasia.
Read: Passenger in business class shocked by "vegan meal": a single banana
DOCTOR DESCRIBES lesbian couple before euthanAsia
Hindi na bago para sa Dutch doctor na si Bert Keizer, 77, na magsagawa ng euthanasia.
Umabot na sa 125 katao ang tinulungan niyang iwan ang mundong ito sa ganoong paraan.
Subalit iba ang naging epekto sa kanya ng kaso nina Monique, 74, at Loes, 88, dahil partners sila.
Ilang taon na rin ang iniindang mga karamdaman nila—si Monique ay may dementia, samantalang si Loes ay may muscular disease.
Sa 50 years nilang pagsasama, hindi na nila kayang mabuhay nang wala ang isa.
Kaya nagdesisyon silang ma-euthanize nang sabay.
Ikinuwento ng doktor na si Keizer ang mga huling sandali nina Monique at Loes.
“The two women lay on a bed, holding hands. They both had a drip in their arm and a doctor at their side,” sabi ni Keizer sa AFP.
Lahad niya tungkol sa huling pag-uusap ng dalawa, “They kissed, said ‘thank you" and ‘I love you’.”
Pagkatapos ay sinabi ng doktor na nagkatinginan silang tatlo. Tinanong niya ang dalawa kung handa na sila.
“Yes, lets go,” sagot daw nila.

Ang Dutch doctor na si Dr. Bert Kiezer na 125 katao na ang tinulungang masailalim sa euthanasia.
Read: Female suspect caught on CCTV doing yoga before robbing bakery
Sabi pa ng doktor: “We injected the medication, a barbiturate, and they fell asleep immediately.”
Ninerbiyos nga raw si Keizer dahil kinailangang sabay mawalan ng malay sina Monique at Loes dahil “you don’t want one to see the other die.”
Ikinuwento rin ni Keizer na 2019 nang magdesisyon ang mag-partner na sumailalim sila sa euthanasia.
Pagbabalik-tanaw ng manggagamot, “'One of us has lost her mind, the other her legs,' they used to say. Two superb women. So nice.”
Si Keizer ay nagtrabaho noon sa End of Life Clinic (Levenseindekliniek) sa Hague, na ngayon ay tinatawag na Euthanasia Expertise Centre.
Sa ospital na ito, nag-o-offer sila ng euthanasia sa mga pasyenteng pinipili ang kontrobersiyal na option na ito.
Bagama’t retirado na, tumutulong pa rin si Keizer sa mga taong piniling sumailalim sa euthanasia, at matagal nang ina-advocate ang benepisyo ng euthanasia.
Kahit na legal ang euthanasia sa Netherlands, mahigpit ang regulasyon nila rito.
Kailangan kasi ang approval ng independent expert at ng doktor na tumitingin sa pasyente kung labis na itong nahihirapan at wala nang pag-asa pang gumaling ang kalagayan.
Binanggit sa report ng Daily Mail na sa official statistics sa Netherlands, 8,720 katao ang namatay noong 2002 sa pamamagitan ng euthanasia.
People died this way in 2022 at karamihan sa mga ito ay dahil sa terminal cancer.
