Bilang sukli sa kanyang kabayanihan, isang French construction worker ang ginawaran ng permanent residency sa Australia kasunod ng nangyaring Westfield Bondi Junction mall tragedy.
Nangyari ang trahedya sa New South Wales, Australia, noong April 13, 2024, Sabado.
Sa karumal-dumal na krimen, anim ang namatay sa mall habang isang dosena pa ang sugatan dahil sa pananaksak ng suspek na si Joel Cauchi.
Damien Guerot Heroic Deed
Nang sumakay ng escalator ang suspek para sa higher floor, humarang sa dulo ng escalator sa upper floor ang construction worker na si Damien Guerot.
Kita sa CCTV na may hawak na isang plastic barrier post si Damien nang inambahan ang suspek na may hawak na kutsilyo. Napilitang bumaba ng escalator ang suspek.
At dahil sa ginawa ni Damien, napigilian ang suspek na gumawa ng anupamang karahasan sa higher floor ng mall.
Read: Ma. Camille Cabasis: from siopao vendor to Top 1 PNP Academy Class 2024
DAMIEN GUEROT REWARDED
Binansagan si Damien bilang “Bollard Man” ng media dahil hindi siya nagpatinag kahit na papalapit sa kanya ang suspek na may hawak na kutsilyo.
Sa isang press conference kamakailan, pinuri ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ang kagitingan ni Damien.
On national TV ay ipinahayag nitong inaalok nila ng permanent residency sa Australia si Damien.
Magandang balita naman ito para kay Damien na mag-e-expire na ang work visa sa darating na July 2024, ulat ng ABC News.
Sabi ng prime minister, “With regard to the French national Damien Guerot, who, people saw with such bravery on Saturday, I say this to Damien Guerra, who is dealing with his visa applications…
“That you are welcome here. You are welcome to stay for as long as you like.
“This is someone we would welcome becoming an Australian citizen, although that would, of course, be a loss for France. We thank him for his extraordinary bravery.”
Pagkilala niya kay Damien, “It says a lot about the nature of humanity at a time when we are facing difficult issues.
“That someone who’s not a citizen of this country stood bravely at the top of the escalator and stopped this perpetrator from getting onto another floor and [from] potentially inflicting further carnage on citizens.”
Mixed emotions naman si Damien sa balitang ito.
Aniya sa Nine Television Network interview, masaya siya sa pagkakataon na ibinigay sa kanya.
“It’s just unbelievable,” aniya.
Pero pasubali niya, “How can I be also happy when many people and families are very sad for their loss?”
Nasupil ang pamiminsala ng suspek sa mall nang barilin ito ng isang police inspector.
Sa speech ng prime minister ay nagpahaging din ito ng pagbibigay ng citizenship kay Muhammad Taha, isang Pakistani security guard na nasa mall nang mangyari ang trahedya.
Nasaksak sa tiyan si Muhammad nang komprontahin nito ang attacker.
Naisugod sa ospital si Taha, na may hawak na temporary visa na malapit na ring mag-expire.
