PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Female doctor falls in love with janitor; now married

It was the female doctor who proposed to the janitor.
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published May 17, 2024
Kishwar Sahiba and Shahzad
Kishwar Sahiba is a female doctor and Shahzad is a janitor. They both worked in the same hospital. Kishwar fell in love with Shahzad and eventually proposed to him. He said yes.
PHOTO/S: YouTube

Ang pag-ibig ay walang pinipili.

Anumang itsura, kasarian, edad, o katayuan sa buhay, hindi magiging hadlang sa true love.

Iyan ang pinatunayan ng mag-asawang Kishwar Sahiba at Shahzad nang magpakasal sila noong 2022.

Si Kishwar ay isang female BMBS (Bachelor of Medicine, Bachelor of Surgery) doctor na nag-propose sa noo’y “chaiwala” o cleaner na si Shahzad.

Sa YouTube video ng Mera Pakistan noong January 21, 2022, inilahad ng Pakistani couple ang kanilang unique love story.

Kishwar Sahiba and Shahzad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kishwar Sahiba and Shahzad tell their love story in one of their YouTube videos

Read: Man fakes heart attacks to escape paying restaurant bills

FEMALE DOCTOR FALLS IN LOVE WITH A JANITOR

Nagkakilala sila sa ospital, kung saan sila parehong nagtatrabaho.

Naka-assign bilang cleaner si Shahzad sa office ng tatlong doktor, kabilang na rito si Kishwar.

Isang araw, hiningi raw ni Kishwar kay Shahzad ang phone number nito. Dito nag-umpisa na ng kanilang pag-uusap.

Sinabi ni Kishwar na noong una niyang makita si Shahzad, hindi niya inakalang isa itong cleaner at tea maker.

Nakuha raw ni Shahzad ang atensiyon ni Kishwar dahil sa pagiging simple nito.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay ipinatawag ni Kishwar sa kanyang room si Shahzad. Dito nag-confess ang doktora ng kanyang pagtatangi sa lalaki.

Sabi ni Shahzad, suwerte siya kay Kishwar dahil sa kabila ng pagkakaiba sa kanilang estado sa buhay, minahal at binigyang-pansin siya ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit kailan ay hindi niya inakala na magiging posible ang lahat ng ito.

Sa sobrang gulat ay nilagnat pa nga raw siya.

Read: Man behind 2015 viral dress pleads guilty to strangling wife

Ibinunyag naman ni Kishwar nag-propose siya dahil ayaw niyang palampasin ang pagkakataong mapangasawa si Shahzad, at ang possibility ng isang “wonderful marriage”.

Matapos ang kasal, iniwan ni Kishwar ang kanyang trabaho sa ospital.

Pinatunayan ni Shahzad na hindi niya sasayangin ang pagmamahal ng asawa dahil sa kasalukuyan, nananatili silang #HappilyMarried.

Ngayon ay focused ang mag-asawa sa paggawa ng content para sa kanilang YouTube channel at TikTok account kung saan ay itinatampok nila ang payak at masayang pamumuhay bilang isang pamilya.

Mayroon silang 44.5K subscribers sa YouTube at 22.5K followers naman sa TikTok.

Pinatunayan nina Kishwar at Shazhad sa kanilang kuwento na kayang malampasan ng pag-ibig ang anumang hamon at balakid.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kishwar Sahiba is a female doctor and Shahzad is a janitor. They both worked in the same hospital. Kishwar fell in love with Shahzad and eventually proposed to him. He said yes.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results