PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Park Bo Ram died of “acute alcohol poisoning”

At the time of her death, Park Bo Ram was reportedly in poor health.
by Khryzztine Joy Baylon
Published May 23, 2024
Park Bo Ram died of “acute alcohol poisoning”—final autopsy show
South Korean singer Park Bo Ram died due to acute alcohol poisoning, amid pre-existing liver conditions, according to the final results of her autopsy.
PHOTO/S: @ramramram2 Instagram

Lumabas na ang final result ng isinagawang autopsy sa bangkay ng South Korean singer na si Park Bo Ram, halos isang buwan matapos nitong sumakabilang buhay.

Binawian ng buhay si Park Bo Ram noong gabi ng April 11, 2024, sa edad na 30.

Read: Korean singer Park Bo Ram dies at 30

Nitong Huwebes, May 23, isinapubliko ng Namyang Police Department ang isinagawang autopsy ng National Forensic Service sa katawan ni Park Bo Ram.

Dito ay napag-alamang namatay ang singer dahil sa "acute alcohol poisoning."

Park Bo Ram died of “acute alcohol poisoning”—final autopsy show
South Korean singer Park Bo Ram dies at 30 on April 11, 2024.
Photo/s: Cooperation Foundation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Mayo Clinic, ang alcohol poisoning ay isang seryosong kundisyon na maaaring maging dahilan ng pagkamatay ng isang pasyente.

Nangyayari raw ito nang biglaan kung ang isang tao ay uminom ng maraming alak sa maiksing panahon.

Kabilang sa mga senyales ng alcohol poisoning kung ang isang tao ay hirap nang huminga, pagtaas ng heart rate, at pagkakaroon ng hindi normal na body temperature.

Ang mga nakararanas nito ay maaaring ma-coma o di naman kaya ay mamatay.

Sa ulat ng Korean website na Allkpop, bago bawian ng buhay si Park Bo Ram ay mayroon na siyang dinaramdam sa kanyang kalusugan.

Napag-alaman kasing si Park Bo Ram ay may fatty liver disease at liver lesions, na maaaring nag-trigger sa kanyang katawan.

autopsy resultS anew

Hindi ito ang unang pagkakataong sinuri ang bangkay ni Park Bo Ram.

Noong April 15, nauna nang isapubliko ng kinabibilangang talent agency ni Park Bo Ram na XANADU Entertainment ang resulta ng isinagawang unang autopsy sa bangkay ng Korean singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito napag-alamang walang foul play at hindi homicide o suicide ang dahilan ng pagkamatay ni Park Bo Ram.

May ilang espekulasyon kasi ang lumutang na, diumano, si Park Bo Ram ang mismong kumitil sa sarili niyang buhay.

Read: In Korean Celebrity Suicides, the Spotlight Shines on the Country's Institutionalized Tragedy

Mababasa sa official statement ng XANADU Entertainment (ayon sa English translation ng Soompi.com), "An autopsy was performed this morning (April 15) to confirm the cause of death of the late artist Park Bo Ram.

"The autopsy showed no signs of homicide or suicide, and the exact results will be delivered to the bereaved family at a later date."

Kalakip nito ang pakiusap ng ahensiya sa publiko na tigilan ang pagpapakalat ng maling impormasyon na may kaugnayan sa pagkamatay ng singer para na rin daw sa pagluluksa ng mga naiwang pamilya nito.

Saad nila, "We sincerely pray for the soul of the deceased who unfortunately passed away, and we request that you refrain from circulating rumors and speculative reports so that the bereaved family can properly send off the deceased on her last journey.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"We would appreciate it if you could pray for the late Park Bo Ram, who never let go of her passion for music and nurtured her dream, so that she can rest comfortably in a warm place."

Read: Park Bo Ram's autopsy results show "no signs of homicide or suicide"—says her agency

PARK BO RAM'S FINAL MOMENT

Ang pagkamatay ni Park Bo Ram ay ikinagulat ng kanyang mga tagahanga, maging mga kasamahan niya sa entertainment industry sa South Korea.

Namatay kasi ang singer habang siya ay nasa private gathering kasama ang dalawa niyang kaibigan.

Pasado 9: 55 ng gabi noong April 11, nang mapaalam daw magbanyo si Park Bo Ram. Ilang minuto na raw ang nakalipas ay hindi pa bumabalik ang Korean singer kaya nagdesisyon ang isa sa kanyang kaibigan na tingnan at itsek siya.

Dito na raw naabutan ang singer na walang malay habang nakayuko sa inidoro.

Mabilis naman daw siyang nilapatan ng CPR (cardiopulmonary resuscitation) ng kanyang mga kasama bago siya isinugod sa pinakamalapit na ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: GONE TOO SOON: Moonbin, Sulli, Jonghyun, other Korean stars who died before their 30s

PARK BO RAM'S CAREER

Unang nakilala si Park Bo Ram nang sumali siya sa Mnet singing show na SuperStar K2 noong 2010, kunsaan napasama siya sa finalists.

2014 nang mag-debut naman siya bilang singer sa kanyang hit song na "Beautiful."

Bukod sa "Beautiful," kilala rin si Park Bo Ram sa mga kanta niyang ginamit sa ilang Korean telenovela series kagaya ng "Hyehwa-dong" ng Reply 1988 (2015); "Please Say Something, Even Though It Is a Lie" mula sa W (2016); at "Like A Dream" ng Prison Playbook (2017).

Bago ang kanyang pagkamatay, napapabalita pang naghahanda si Park Bo Ram sa kanyang comeback, kasabay sana ng kanyang 10th debut anniversary.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean singer Park Bo Ram died due to acute alcohol poisoning, amid pre-existing liver conditions, according to the final results of her autopsy.
PHOTO/S: @ramramram2 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results