Love wins para sa Thai BL (boys' love) actors na sina Both Nuttapong at Newyear Kitiwhut matapos nilang ianunsiyo sa publiko na sila ay engaged na.
Sa Instagram nitong Miyerkules, June 26, 2024, proud na ipinost ni Newyear ang mga kuhang litrato nang mag-propose sa kanya si Both.
Read: Raising LGBTQ+ children: Does a parent truly love when one does not accept a child's gender?
Kabilang na rito ang kuha habang nakaluhod si Both sa harap ni Newyear hawak-hawak ang engagement ring.

Kalakip nito ang caption ni Newyear na (published as is), "B: Will you marry me?
Ny: I said "yes" from the first day we met."
Sa TikTok, ipinost din ni Newyear ang pagsorpresa sa kanya ni Both nang mag-propose ito sa kanya sa isang kuwarto na napalilibutan ng red roses.

Kita rin sa video ang pagluhod ni Both para yayaing magpakasal si Newyear, dahilan para maging emosyunal ni Newyear na noong mga oras na iyon ay halos hindi makapaniwala.
@newyear.kitiwhut I said yes #????????????? ? ???????????? - NEWYEAR
Thailand becomes first Southeast Asian country to allow same-sex marriage
Ang engagement nina Both at Newyear ay nangyari ilang araw matapos isabatas sa Thailand ang same-sex marriage.
Ibig sabihin nito, maaari nang magpakasal ang dalawang taong may parehong kasarian—mapa-babae man o lalaki.
Read: LGBTQ community blames non-ally for chaotic Pride March 2024
Noong June 18, 2024, nilagdaan ni King Maha Vajiralongkorn ang legalisasyon ng same-sex marriage sa kanilang bansa.
Dahil dito, kinikilala ngayon ang Thailand bilang kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagsabatas ng marriage equality para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Ang Thailand ang pangatlong bansa sa Asya na pumayag sa same-sex marriage matapos itong maisabatas sa mga bansang Taiwan at Nepal.
Both Nuttapong-Newyear Kitiwhut RELATIONSHIP
Sina Both at Newyear ay parehong kilalang BL actors sa Thailand.
Taong 2021 nang bumida sila sa BL series na Top Secret Together.
Read: Ellen Adarna clarifies she's not anti-LGBTQ+ despite viral comments on pronoun confusion

Ngunit bago pa man ito, magkarelasyon na sila noon pang 2012.
Noong September 2023, na-engage na rin sila ngunit dahil hindi pa legal noon sa kanilang bansa ang same-sex marriage ay hindi nila ito kinunsiderang opisyal.
FILIPINO FANS REACT
Dahil sa pagsasabatas sa Thailand ng same-sex marriage, marami sa mga Pilipinong miyembro ng LGBTQIA+ community ang ngayo'y napapa-"sana all."
Read: 9 celebrity parents who embrace and support their LGBTQ+ children
Magpahanggang ngayon kasi ay hindi pa rin naisasabatas ang SOGIE Equality Bill na magbibigay sana ng proteksiyon sa mga miyembro ng LGBT laban sa iba't ibang uri ng diskrimasyon.
Read: Here’s the tea: LGBT lacks inclusivity!
Tweet ng isang netizen (published as is), "grabe, napag iiwanan na talaga tayo. and its not a good sign for us. dahil habang tinatalakay pa rin natin ang divorce, SOGIE and same sex union, yung ibang bansa iba na ang inaayos nila. sila pasulong na, tayo stagnant pa rin."

Saad ng isa, "So happy for all LGBTQIA people from Thailand, hoping for my country Philippines to be next."

Sabi pa ng isa, "While in the Philippines until now nasa divorce stage pa rin. Hindi ata alam ang separation of state & church puro pang sariling beliefs ang explanation eh hindi naman applicable sa lahat yung beliefs nila. #VeryThirdWorldCountry."

Dagdag naman ng isa, "Wake up PH. let's start with the divorce bill please."

