PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Here’s the tea: LGBT lacks inclusivity!

Those who ask for inclusivity should be first to practice it in their space.
by Kim Benedict C. Manalo
Published Jun 28, 2023
Pride March, Happy Pride, Happy Pride March
Kabi-kabilaan ang Pride Talks at Pride Marches ngayong Hunyo para mas mapalawig ang pag-unawa tungkol sa buhay, pakikibaka, at karapatan ng komunidad ng LGBTQIA+. Beyond these, marami pang internal problems na kailangang ayusin sa LGBT community.

Pride Month na naman!

Kakalat na uli ang rainbow flags, shirts, at lahat ng bagay na pwedeng lagyan ng rainbow para suportahan ang LGBTQIA+ community!

Happy Pride Month, March, Happy, Pride March 2023, Pride March PH


Excited ang community sa buwan na ito dahil dito mas nagkakaroon ng venue ang mga hinaing at mga isinusulong ng LGBTQIA+, tulad ng SOGIE—Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression—Equality Bill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bill na ito, lingid sa marami, ay proteksyon sa karapatan ng lahat, hindi lamang sa LGBTQIA+ community. Halimbawa, kung magbu-book ka sa isang ride-hailing app.

Hindi ka pwedeng tanggihan ng serbisyo nito base lamang sa kung paano mo ini-express ang sarili, tulad ng pananamit mo o kaya'y dahil ikaw ay isang babae, dahil ito ang SOGIE mo.

Hindi rin pinahihintulutan ng bill na ito ang pagpapalaganap ng diksriminasyon sa media at eskwelahan. Lalong-lalo na kung hahantong ito sa karahasan o sexual abuse. Kung lalaki ka at ayaw kang isali sa isang quiz bee dahil mas matalino diumano ang kababaihan, protektado ka. Kung bakla ka pero ayaw kang isali sa basketball game kahit ito ay hilig mo, protektado ka. Hindi ka binigyan ng mataas na grado sa eskwelahan sa kadahilanang babae ka, protektado ka.

READ David Archuleta reveals reason for stepping back from Mormon church after coming out

Tandaan na hindi lamang ito limitado sa mga kapatid natin na LGBT kundi para ito sa pangkalahatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabi-kabilaan ang Pride Talks at Pride Marches ngayong Hunyo para mas mapalawig ang pag-unawa tungkol sa buhay, pakikibaka, at karapatan ng komunidad ng LGBTQIA+.

Ang di alam ng karamihan, may internal problems ang LGBT community. Mga problemang nakaka-bother talaga.

READ Jackie Lou Blanco recounts the moment daughter Rikki Mae told her, "Mama, I’m gay."

drag queen, drag show, drag artistMy drag persona, Khymmie The Doll, performing at a bar at Bonifacio Global City last May 2023

Isa na rito ang femme-shaming. Ito ay ang pag-discriminate sa mga miyembro ng komunidad na malambot kumilos. Sa isang marginalized group na patuloy na isinusulong ang inclusivity at diversity, halos nakakabiglang mayroong mga taong nili-leave out o mina-marginalize sa mismong loob ng grupo!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mangyari pa, some masculine-looking gays prefer masc-looking gays din. And in their circles, they make fun of—or actually mock— those who show their feminine side. (The very same thing we experience from our oppressors!)

Also, pagdating sa love mas maraming mas gusto ang mga masc. So much so that meron nang "masc4masc" na tinatawag. Hindi naman masamang magkaroon ng preference, but not to the point na mababa na ang tingin mo sa mga hindi pasok sa preference mo. (Yung oppressors natin, di tayo naiintindihan; paano nangyaring pati mga kapatid natin ay ganoon din?)

READ Love wins para kina Rhap-Erwin, Liza-Ice, Aldred-Mike

Sa entertainment, very evident pa rin na mas pinapaburan ang mga masc-looking gays. Say, for example, in casting actors for the BL or Boys' Love series, mas gusto nilang mag-cast ng masculine and visually appealing gays, na hindi dikit sa totoong buhay. Kapag naman nag-cast ng actual gay, pupulaan at huhusgahan pa ng community.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And then we’re shouting for inclusivity and diversity? Ang tanong: We fight for inclusivity pero nasaan ang inclusivity within the community?

Happy Pride March, Pride March 2023

I’m not losing hope for the community and its allies.

Sana hindi na tayo tumatawa sa tuwing may makikitang femme-looking gays dahil wala namang mali sa kanilang expression.

Sana hindi na tumaas ang kilay natin sa tuwing makakakita ng same sex-couples dahil nagmamahalan lang naman sila.

Sana mas lawakan natin ang ating pang-unawa sa isa’t isa.

Sana dumating ang panahong lagpas sa pisikal na anyo ang tinitignan natin sa isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung panahong kinikilala na nating mas mahalaga ang katauhan ng isang tao kaysa sa kanyang gender identity at expression.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabi-kabilaan ang Pride Talks at Pride Marches ngayong Hunyo para mas mapalawig ang pag-unawa tungkol sa buhay, pakikibaka, at karapatan ng komunidad ng LGBTQIA+. Beyond these, marami pang internal problems na kailangang ayusin sa LGBT community.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results