Ang pamosong Tuscany, isang region sa central Italy, ay naging setting ng mga sikat na pelikula, gaya ng Life Is Beautiful (1997), Gladiator (2000), Under The Tuscan Sun (2003), The Twilight Saga: New Moon (2010), to name a few.
Hometown din ito ng tanyag na Italian figures ng Renaissance period tulad ng artist and architect na si Michelangelo, painter na si Sandro Botticelli, at architect na si Filippo Brunelleschi.
At magpahanggang sa ngayon, buhay na buhay pa rin ang kanilang mga obra rito. .
Kung fascinated ka sa lugar na ito, may tempting ang offer ang Italian government.
Imagine moving to Tuscany and getting paid to do it?
Baka ito na ang chance mo para ma-experience ang makulay nitong kasaysayan, masilayan ang historical art at architecture dito, at matikman ang authentic Italian food at wine.
Read: Student punches teacher in the face during graduation
LIVE IN TUSCANY PROGRAM
Naglunsad ang Italy ng “Residenzialita in Montagna 2024” program, na ibig sabihin ay Residency in the Mountains 2024.
Sinimulan ito ngayong June 2024.
Ito ang panghatak ng Italy para sa mga tao na manirahan sa rural countryside nito.
Sa katunayan, nag-allocate ang bansa ng 2.8 million euros o $3million (katumbas ay PHP176 million) para sa programang ito.
Para sa mga taong interested, maaari silang mabigyan ng financial incentive na 10,000 euros -30,000 euros o $10,720-$32,161(PHP628,000-PHP1.8 million) para ma-cover ang least 50 percent ng gastusin para pagbili at pagpapa-renovate ng bahay.

“The purpose of the intervention is to favor and encourage the repopulation and socio-economic revitalization of mountain areas, acting in contrast to the marginalization of these areas,” ayon sa website nito.
Puwedeng mamili mula sa 76 towns ng Tuscany region.
Ang deadline ng application ay hanggang July 27, 2024.
Ito an catch: ang bibili ng property sa Tuscany ay kailangang maging permanent resident ng lugar.
At kapag nagpa-register ka bilang residente ng Italian town, hindi ka puwedeng maging residente ng iba pang bayan.
Bukas ang offer para sa mga Italian citizens, European Union (EU) citizens, at non-EU citizens na may long-term residency na hindi bababa sa sampung taon.
Kailangan ding may financial stability kahit papaano.
Read: Woman files complaint vs BF who failed to take her to airport

THE REASON BEHIND THE PROGRAM
Sinimulan ang programang ito para paramihin ang population sa mga bayan sa Tuscany.
Malaki kasi ang pag-recede ng populasyon sa region sa mga nakalipas na taon.
Goal din ng programa na palaguin ang socio-economic aspect sa rural areas.
Sa isang 2016 study na inilabas ng Ministry of Environment ng Italy, lumabas na 2,500 towns ang bumaba ang populasyon at inaasahang hindi na magsu-survive after 25 years.
Sa isang CNN report noong 2023, lumalabas na mayroong 6,000 abandoned villages sa Italy.
