Nagdilim ang paningin ng isang ama, 53, kaya nagawa niyang suntukin ang isang six-year-old boy sa school.
Ang rason: Sinipa raw kasi ng bata (biktima) ang kanyang classmate na anak pala ng 53 anyos na private-hire driver sa Singapore.
Dahil sa galit, hindi nakapagpigil ang ama (akusado) at sinuntok sa mukha ang batang nanakit daw sa kanyang anak.
Umamin ang akusado sa kanyang kasalanan noong June 28, 2024 sa harap ng hukuman.
Hindi na pinangalanan ang biktima upang mapangalagaan ang kanyang privacy.
Read: Italy will pay you up to PHP1.8M to live in Tuscany
THE INCIDENT
Ayon sa court documents, sakay ng kotse, pumunta ang akusado at misis nito sa school para sunduin ang kanilang anak noong October 18, 2023.
Bumaba sa kotse ang misis para sunduin ang anak.
Pagbalik sa kotse, nagsumbong ito sa mister. Sinabi raw ng teacher na may nanipa sa kanilang anak.
Ulat ng The Straits Time, inilahad ni Deputy Public Prosecutor (DPP) Eugene Phua na inihinto ng ama ang kotse at tiningnan ang body part na inirereklamo ng anak na masakit.
Nakita ng ama na namumula ito kaya bumalik siya sa school para kausapin ang guro.
Ang misis daw ang kumausap sa guro.
Pagbalik niya sa mister, sinabi nitong hindi idinetalye ng guro kung paano sinipa ng kaklase ang kanilang anak.
Nagdesisyon ang ama na siya na ang kumausap sa sa guro.
Habang naglalakad papunta sa guro, may nakasalubong ang ama na isang bata kasama ang kanyang lola.
Tinanong ng ama ang bata kung siya ang nanakit sa anak nito.
Bago pa man daw makasagot ang bata, sinuntok ito ng ama sa mukha gamit ang kanang kamay, lahad ng DDP.
Buti na lamang at nakahawak ang bata sa kamay ng kanyang lola kaya hindi tumama ang ulo nito sa sahig.
Hindi naman nakasaad sa court documents kung ang batang biktima nga ang nanakit sa anak ng akusado.
Hindi nagtagal, may saksi na nag-alerto sa pulis.
Nakasaad pa sa court documents na dinala ang bata sa Bukit Batok Polyclinic kinabukasan. Walang nakitang serious injury sa bata.
Sa ulat ng Today Online, iniulat na binayaran ng akusado nito lamang April 4, 2024, ang 440.65 Singaporean dollars (PHP19,000) na nagastos para ipagamot ang batang sinuntok.
Ang akusado ay hindi na kumuha ng abogado at umamin sa kanyang kasalanan.
Nais din daw niyang humingi ng tawad sa mga magulang ng bata.
Nagpaliwanag din siya na sobra siyang nagalit nang malamang sinaktan ang aknyang anak sa maselang bahagi kaya nagdilim ang kanyang paningin.
Hiniling naman ng DDP ng biktima na maparusahan ang aksudado ng anim hanggang siyam na linggong pagkakakulong.
Ibababa ang hatol sa akusado sa darating na July 18, 2024.
Kapag nahatulang guilty, ang akusado na nanakit sa batang below 14 years old ay maaaring makulong ng anim na taon at papagmultahin ng ng 10,000 Singaporean dollars o PHP433,000.
Read: VIRAL (again!): Fast-food manager doused with soft drink
NETIZENS REACT
May mixed reactions ang netizens sa pangyayari.
Ilan sa kanila ang umaming hindi nila masisisi ang akusado at baka patulan din nila ang bata kapag sinaktan ang kanilang anak.
Iginiit naman ng iba pa na walang binanggit sa report na ang sinuntok ng akusado ay ang bata ngang nanakit sa kanyang anak.





