Trigger Warning: murder, graphic description of dismemberment
Habambuhay na pagkakakulong ang hatol sa isang Spanish YouTuber and chef matapos mapatunayang guilty sa salang pagpatay at pagpira-piraso sa katawan ng isang surgeon habang nakabakasyon sila sa Thailand.
Read: Spanish chef Daniel Sancho Bronchalo confesses to partner's murder
Ibinaba ang hatol matapos ang higit isang taon mula nang pumutok ang balitang pagpaslang ni Daniel Sancho Bronchalo, 30, sa surgeon na si Edwin Arrieta Arteaga, 44.
Una nang hinatulan ng bitay si Daniel, pero binawasan ito sa life imprisonment dahil sa pag-amin sa pagpatay, ayon sa ulat.
Si Daniel ay mula sa prominenteng pamilya sa Spain.
Anak siya ng kilalang Spanish actor na si Rodolfo Sancho at ni Silvia Bronchalo na nag-artista rin noon.
Bukod sa sentensiyang life in prison, pinagbabayad din si Daniel ng 4.2 million baht o $125,000 (PHP7 million) sa pamilya ng biktima.
Naging napakainit na balita nito sa Spain dahil prominente ang pamilya ng akusado. Dahil dito, gumawa ng documentary ang HBO ukol sa kaso na may titulong El Caso Sancho.
Binanggit naman ng EFE, isang Spanish news outlet, na puwedeng mag-apply si Daniel ng transfer sa Spain kapag nagbayad ng required amount, at nakaapat na taon sa kulungan sa Thailand.

Read: Czech star gymnast taking selfie falls off mountain; dies
youtube chef's premeditated murder IN 2023
Nang gawin ang paglilitis, sinabi ni Daniel na ipinagtanggol lamang niya ang sarili mula sa sexual assault ng biktima.
Umamin naman siyang pinagpuputol-putol ang katawan ng biktima at itinapon sa basurahan at malapit sa dagat.
Ayon sa report, nagpunta si Daniel at ang biktima sa Koh Pangan sa Thailand noong 2023 para dumalo sa Full Moon Party.
Sinabi noon ng mga kamag-anak ng biktima sa pulisya na isang taon nang magkarelasyon sina Daniel at Arrieta.
Sinabi naman ni Daniel sa Thai police na pinilit umano siyang makipagtalik ni Arrieta kaya lumaban siya.
Sinuntok umano ni Daniel ang surgeon, na tumama raw ang ulo ng huli sa bathtub at nasawi.
Pinagpira-piraso ni Daniel ang katawan ng biktima at itinapon sa dalawang magkaibang lugar.
Dumalo muna ang chef sa Full Moon Party at nagsaya. Pagkatapos ng kasiyahan ay dumiretso siya sa pulis para i-report na nawawala ang biktima.
Binanggit sa AP report ang narrative ng Thai police na umamin daw sa kanila si Daniel na pinaslang niya ang biktima.
Nagbanta raw kasi ang biktima na sisiraan niya si Daniel at ang pamilya nito sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kanilang relasyon.
Itinanggi naman ng kampo ni Daniel na ito ang sinabi niya sa pulis.
Gayunpaman, lumabas na premeditated o pinagplanuhan ni Daniel ang krimen.
Nakita kasi sa CCTV footages si Daniel na bumibili ng kutsilyo, guwantes, garbage bag, at iba pang gamit bago ang nangyaring pagpaslang.
Sa kanyang closing statement sa paglilitis, pinagsisisihan daw ni Daniel ang ginawa niya, ulat ng El Pais, isang Spanish newspaper.
Sabi niya, “I am sorry that a life has been lost and that parents have lost a son.
“I am sorry that his family was not able to bury him properly. I’m sorry for what I did after the death.”
