PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BTS V, BLACKPINK Jennie rumored split

Netizen: "Nauna pang ilabas yung breakup kesa sa aminin na sila na."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 6, 2023
BTS V, BLACKPINK Jennie reportedly broke up
Jennie of BLACKPINK and V of BTS, who were rumored to have been dating, recently break up, according to South Korean media outlet JTBC.
PHOTO/S: V/Jennie Instagram

"How can they break up if they never dated though?"

Ito ang tanong ng ilang netizens matapos lumabas ang balitang hiwalay na umano ang K-pop superstars na sina Taehyung o V ng BTS at Jennie ng BLACKPINK.

Ayon sa ulat ng South Korean media outlet na JTBC, napagdesisyunan daw nina V at Jennie na maghiwalay bago pa pumasok sa mandatory military services si V sa December 11, 2023.

Read: BTS' RM, Jungkook, V, and Jimin commence military enlistment process

Nagbigay ito ng palaisipan sa fans nina V at Jennie lalo na't wala naman silang direktang kumpirmasyon sa kanilang relasyon.

Noong December 2021, nagsimula silang maiugnay sa isa't isa matapos i-follow ni V si Jennie sa Instagram.

Nasundan pa ito noong May 2022, nang mag-viral ang kanilang mga larawang diumano'y magkasamang nagbabakasyon sa Jeju Island.

Nang hingan ng Soompi.com ng pahayag ang talent agency ni Jennie na YG Entertainment tungkol dito, ang tugon nila ay: “We have nothing to say [regarding this matter].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We will inform you if we have a different response to share.”

Lalong umigting ang espekulasyong may espesyal na relasyon sina V at Jennie nang maispatan silang magkasama at magka-holding-hands-while-walking (HHWW) sa Paris, France, noong May 2023.

Read: BTS V, BLACKPINK Jennie allegedly spotted holding hands while walking in Paris

NETIZENS REACT

Sa X (dating Twitter), bumuhos ang kaliwa't kanang komento ng netizens tungkol sa nababalitang hiwalayan ng dalawang K-pop stars.

Tweet ng isang netizen, "This is the first time we see a breakup without dating."

Saad ng isa, "Grabe naman nauna pang ilabas yung breakup kesa sa aminin na sila na."

Sabi pa ng isa, "Ako lang ba nakahalata pero bakit parang sinabay sa pag-renew ng BP [BLACKPINK] ng contract sa YG itong news na to. Something fishy ha."

Read: BLACKPINK members renew exclusive contract with YG Entertainment for group activities

Hirit pa ng isa, "Hay nako Taehyung and Jennie, huwag muna kayong sumabay sa KathNiel."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag sina V at Jennie, maging ang kanilang mga talent managament hinggil sa napapabalitang hiwalayan ng dalawa.

Read: Bryanboy lectures BTS fans who bashed him for mispronouncing Taehyung's name

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennie of BLACKPINK and V of BTS, who were rumored to have been dating, recently break up, according to South Korean media outlet JTBC.
PHOTO/S: V/Jennie Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results