Hindi pa rin lubusang makapaniwala ang Irish singer-songwriter na si Niall Horan na wala na ang dati niyang kabanda sa One Direction at matalik na kaibigan na si Liam Payne.
Pumanaw si Liam noong October 16, 2024, matapos niyang mahulog mula sa balkonahe ng ikatatlong palapag ng CasaSur hotel sa Palermo, Buenos Aires, Argentina, kunsaan siya panandaliang nakatuloy.
Siya ay 31.
Read: Liam Payne, former One Direction member, dies in Argentina at 31
Ilang araw matapos ang malagim na sinapit ni Liam ay naglabas na rin ng mensahe si Niall kay Liam nitong Sabado, October 19.
Nauna nang nagbahagi ng mensahe ng pakikiramay at pagbibigay-pugay kay Liam ang tatlo pang miyembro ng One Direction na sina Harry Styles, Zayn Malik, at Louis Tomlinson noong October 18.
Read: One Direction members "devastated" by Liam Payne's death
Si Niall ang bukod tanging hindi kaagad nagbahagi ng kanyang mensahe. Pinaniniwalaan kasing siya ang pinakaapektado sa nangyari kay Liam.
Si Niall ang huling nakasama ni Liam na lumipad sa Argentina noong September 30, para suportahan ang The Show Niall Horan sa Movistar, Buenos Aires, noong October 2. Bahagi ito ng concert tour ni Niall sa Latin America.
Read: Liam Payne, nag-upload ng photos isang oras bago pumanaw
NIALL REMEMBERS LAST MOMENTS WITH LIAM
Bahagi ng mensahe ni Niall ang mga huling sandaling kasama niyang buhay si Liam.
Pagbabahagi ng singer, kasa-kasama niya si Liam sa saya, kalokohan, kalungkutan, at pangarap kaya naman ganoon na lamang ang kanyang paghihinagpis sa pagkawala nito.
Mababasa sa kanyang mensahe, kalakip ang throwback photo nilang dalawa: "I'm absolutely devastated about the passing of my amazing friend, Liam. It just doesn't feel real.
"Liam had an energy for life and a passion for work that was infectious. He was the brightest in every room and always made everyone feel happy and secure.
"All the laughs we had over the years, sometimes about the simplest of things, keep coming to mind through the sadness.
"We got to live out our wildest dreams together and I will cherish every moment we had forever. The bond and friendship we had doesn't happen often in a lifetime."
Read: One Direction member Liam Payne's cause of death revealed
Swerte pang maituturing ni Niall ang kanyang sarili nang makasama niya si Liam bago ito sumakabilang buhay.
Hindi lang niya suka't akalain na ang pagkikita nilang iyon ang huling beses na makikita at makakasama niya ito.
Aniya, "I feel so fortunate that I got to see him recently. I sadly didn't know that after saying goodbye and hugging him that evening, I would be saying goodbye forever. It's heartbreaking."
Read: Charlie Puth, Backstreet Boys mourn death of Liam Payne
Sa huli, taus-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Niall sa naulilang pamilya ni Liam.
Pinasalamatan din niya ang kanyang Liam sa ala-alang iniwan nito sa kanya noong ito ay nabubuhay pa.
Saad niya, "My love and condolences go out to Geoff, Karen, Ruth, Nicola and of course his son Bear.
"Thank you for everything, Payno. Love you brother."

Read:
